27.3 C
Manila
Miyerkules, Pebrero 19, 2025

16 bills inaprubahan sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang Facebook page nitong Mayo 13 ang pag-apruba ng Senado sa 16 na bills para sa paggawa ng mga dagdag na branches ng Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts sa buong bansa.

“Ngayong araw, 16 bills po ang naaprubahan ng inyong Senado—lahat po ay para sa paggawa ng mga additional branches ng Regional Trial Courts at Municipal Trial Courts sa mga sumusunod na lugar: LGU Cabagan, Isabela; San Jose & Basilisa, Dinagat Islands; Baybay, Leyte; Calauag, Quezon; Pagadian, Zamboanga del Sur; Antipolo, Rizal Samal & Panabo, Davao del Norte’ Malaybalay, Bukidnon; Rosario at San Juan, Batangas; City of Navotas;  San Carlos, Pangasinan; City of San Juan; Gingoog, Misamis Oriental;  Ormoc, Leyte; Bacolod, Negros Occidental; at Tubod, Lanao del Norte.

“Sa mga panukalang ito, umaasa tayo sa mas mabilis at mas epektibong paghahatid ng hustisya sa ating mga mamamayan, saan mang bahagi ng bansa.

“Salamat kay Senator Francis Tolentino sa pagsulong ng mga panukalang ito!”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -