27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Mga Cayetano, nag-abot ng tulong sa Negros Region sa kanilang patuloy na paglapit sa mga Pilipinong nangangailangan

- Advertisement -
- Advertisement -

“Simula noong nangyari ang pandemic, humina ang kita ng mga vendors dito sa amin dahil walang gaanong laman ang mga tindahan kasi kulang ng pang-puhunan.”

Ito ang ibinahagi ng manininda mula sa Dumaguete City na si Rosita Tinio nang bumisita ang mga tanggapan nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano sa Negros Region upang mamahagi ng mga kinakailangang tulong sa maraming residente.

Nagpapatuloy sina Senators Alan Peter at Pia Cayetano sa kanilang misyon na magbigay ng mahahalagang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan, sa pagkakataong ito ay bumisita sa Negros Region upang magdala ng mahahalagang tulong sa maraming Negrosanon.

Sa pagpapatuloy ng kanilang misyon na magbigay ng abutin ang mga mas marami pang Pilipino na nangangailangan, muli silang nakipagsanib-puwersa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang suportahan at magbigay ng livelihood assistance sa 580 residente noong May 10 at 11, 2024.

Sa Bais City, Negros Oriental, 500 residente, kabilang ang mga Barangay Health Workers (BHWs) at iba’t ibang grupo ng kababaihan, ang nakatanggap ng mahahalagang tulong sa pamamagitan ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program. Mayroon ding medical desk na kanilang nalapitan para sa healthcare assistance.

“Masaya po akong nakikita ang mga bata na walang sakit at masaya kahit na mahirap ang buhay. Salamat po, Senator Alan at Senator Pia. Malaking tulong po itong natanggap namin para sa aming pamilya,” bahagi ni Sarah Jane Lacson, isang BHW na masayang naglilingkod para sa mga kabataan ng kanilang lugar.

Dinaluhan ni City Administrator Atty. Romela Napao ang aktibidad upang inirepresenta si City Mayor Luigi Goñi na isa sa mga naging susi sa tagumpay nito.

Sa Dumaguete City, 80 na manininda ng prutas at gulay ang natulungan sa pagtutulungan ng magkapatid na Cayetano at ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). Sila ay nakatanggap ng suporta upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan para sa dagdag kita.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang Dumaguete City Fruits and Vegetable Vendors Association. Ibinahagi ng pangulo nitong si Lourdes Nalam na ito ang kauna-unahang tulong na natanggap ng kanilang grupo. Maluha-luha itong nagpasalamat sa mga senador sa pag-abot sa kanilang grupo at sinabing ito ay hindi niya inaasahan.

“Mula po sa aming grupo, nagpapasalamat po kami ng malaki sa inyo. Sana po ay pagpalain pa ho kayo para mas marami pa kayong matulungan. Stay healthy and God bless you!” wika niya.

Ang mga kinatawan ng DOLE at lokal na pamahalaan ay dumalo rin sa aktibidad upang magbigay ng suporta sa mga manininda ng Dumaguete City.

Sa kanilang matibay na paniniwala sa kapangyarihan ng bayanihan upang lumikha ng mauunlad ng komunidad, patuloy na nakikipagtulungan sina Senator Alan Peter at Pia Cayetano sa mga institusyon upang abutin ang iba’t ibang lugar sa bansa at ilapit ang kinakailangang tulong sa mas marami pang Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -