IBINALITA ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na naging matagumpay ang kanyang pagdalo sa ginanap na Vice Mayors’ League of the Philippines 28th Natl Convention sa Butuan City.
Aniya, “Isa pong karangalan na tayo ay maimbitahan bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagtitipon ng lahat ng mga vice Mayors sa buong bansa sa ginanap na Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) 28th National Convention sa Butuan City noong nakaraang buwan.
“Bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, inilahad ko sa kanila ang buod ng kasalukuyang estado ng edukasyon sa ating bansa. Ibinahagi ko ang sanhi ng kinakaharap nating hamon sa edukasyon. Pero habang may mga gurong handang magserbisyo sa bayan at may mga batang Pilipinong nangangarap para sa kanilang sarili, pamilya, at bayan, hindi tayo magpapabaya at titigil sa pagtupad ng ating tungkulin. Kailangan nating maging Matatag sa pagsuong sa mga hamon.
“Ito ang pangunahing dahilan kaya binuo natin ang Matatag Agenda para ilahad ang mga konkretong hakbang upang matugunan ang mga hamon sa edukasyon.
“Our goal is evident: to create a nation where our youth can realize their dreams by possessing the wisdom and skills needed for the modern world. We want to mold generations of nation-builders who embody Filipino values and promote peace”, bahagi ng aking mensahe.
Sinabi ko na, “Education is everybody’s business”, kung kaya ating pakiusap sa ating mga vice mayors na sa pamamagitan ng ating Local School Boards ay tutukan at suportahan natin ang ating School-Based Feeding Program sa ating mga paaralan dahil importante ang tamang nutrisyon sa pag-aaral ng ating mga bata. Mahalaga ang suporta ng lokal na pamahalaan kaya pinapahalagahan natin ang mga pagtutulungan sa ting mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.”