SA pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nagbahagi ang pamahalaan ng 5,000 land titles na may sakop na 8,000 ektarya ng lupang pansakahan sa mga agrarian reform beneficiaries sa Tacloban City.
Ang distribusyon ay parte ng layunin ng Department of Agrarian Reform na magbahagi ng 23,216 na ektarya ng lupang pansakahan sa buong bansa bago magtapos ang taon.
Maliban dito, patuloy din ang pagpapatayo ng mga farm-to-market road, bridge, at irrigation system Eastern Visayas upang mapataas ang kita at produksyon ng mga magsasaka sa rehiyon.
Ani ng Pangulo, “Natupad na natin ang pangakong bigyan ng sariling lupa ang higit sa 7,500 na magsasaka sa Central at Eastern Visayas.” Mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office