27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Sen Lapid, Coco Martin, nanguna sa Lanatin Bridge groundbreaking ceremony sa Tanay, Rizal

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN nina Senador Lito Lapid at Director/Actor Coco Martin ang groundbreaking ceremony sa itatayong steel girder bridge sa Lanatin river, Brgy. Sto. Niño, Tanay, Rizal.

Tinatayang aabot sa P50-milyon ang halaga ng steel girder bridge na makatutulong sa progreso at paglalakbay ng mga residente sa Brgy. Sto. Niño, Tanay at mga karating bayan.

Ipinangako nina Sen. Lapid at Coco Martin ang pagpapatayo ng tulay dahil sa madalas na bumabaha sa ilog ng Lanatin tuwing malakas ang ulan na apektado ang pamunuhay ng mga residente.

Sa loob ng dalawang taon, sinabi nina Lapid at Coco na saksi ang mga taga-Brgy. Sto. Niño sa kanilang shooting ng teleseryeng “Ang Probinsyano” at naging kaibigan na rin nila ang mababait na residente rito.

Taus-pusong nagpasalamat kina Lapid at Coco ang mga residente ng Brgy. Sto. Niño at ang mga lokal na opisyal sa pangunguna nina Rizal Gov. Nina Ricci Ynares, Cong. Emigdio “Dino” Tanjuatco 3rd, Mayor Rafael Tanjuatco, Vice-Mayor Rex Manuel Tajuatco at Brgy. Captain Angel Patrimonio.

Sa mensahe ni Gov. Ynares na binasa ni Vice-Governor Junrey San Juan, ang tulay anya ay sumisimbolo sa progreso at kaunlaran ng bayan ng Tanay na bunga ng pagtutulungan ng mga opisyal ng national at local governments.

Nauna rito, namahagi muna si Sen. Lapid ng ayuda mula sa DSWD sa may 200 mahihirap na residente at katutubong Dumagat sa Sierra Madre. Ulat at mga larawan mula sa Facebook page ni Senator Lito Lapid

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -