33.6 C
Manila
Martes, Mayo 20, 2025

Masaya ba kayo ng pera mo?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Juan, napanuod mo na ba yung Inside Out 2?

Uncle, hindi pa. Maganda ba?

Naku, Juan panuorin mo. Marami kang matutunan. Naisip ko nga na sa pera, marami tayong mga emosyon.

Di ka ba nai-stress pag bayaran na ng bills?

Di ka ba natatakot pag wala kang trabaho at wala kang suweldo?


Di ka ba nahihiya pag wala kang maiambag sa bahay dahil wala kang pera?

Di ka ba nagagalit pag di ka binabayaran ng may utang sa yo?

Di ka ba nahihiya pag ikaw mismo ang maraming utang at nakapila ang naniningil sa yo?

Di ba yung iba’y naiinggit sa mga mas meron kesa kanila?

- Advertisement -

Di ba excited ka pag kumita ng malaki ang investment mo?

O di ka ba sobrang saya pag may bonus ka at 13th month pay?

Puro emosyon ang relasyon natin sa pera.

Kaya ayaw natin syang pinag-uusapan. Lalo na sa mga nakakatanda sa atin tulad ng mga magulang natin. Pag pera na ang isyu, mahina na ang kanilang boses o di kaya’y pinapaalis tayo.

Sa mga mag-asawa, kalimitan sanhi ng pag-aaway ang pera o sa kasamaang palad, hiwalayan pa yung iba. Kulang o sobra man ang pera. Pag kulang, may sisihan kung saan ginastos. Pag sobra, may sisihan kung bakit nagsusugal o nambababae si mister.

Sa mga pamilya, pag may humingi ng tulong at hindi napagbigyan, tampuhan ang resulta. May nasisirang mga relasyon.

- Advertisement -

Hindi natin kultura ang maging bukas sa usapang pinansyal kasi baka isipin na tayo’y nagyayabang o di kaya’y manghihingi o mangungutang. Bunga din ito ng ating kakulangan sa financial literacy kaya wala tayong sapat na kakayahan sa mga pinansyal na desisyon.

Pero di ba ang pagkakaroon din ng pera ay makabubuti sa pagtupad ng iyong mga pangarap — bahay  at lupa, kotse, edukasyon, travel, negosyo at iba pa?

At di ba sa mga pilantropo, ang pagkakaroon ng salapi ay tulay sa pagtulong sa kapwa sa kanilang mga pangangailangan, pantawid sa kahirapan at pagbibigay opportunidad para magkaroon ng hanapbuhay at kumita?

Tama nga na ang pera ay emosyon. Pinapaikot nya ang tumbong natin. Pwedeng kaibigan at puwede ring kaaway.

Paano ba nating maiintindihan ang emosyon natin tungkol sa pera? At paano ba tayo magkakaroon ng mas positibong relasyon sa pera?

May IDEA ako:

Ibahin ang mindset natin. Maraming tao ang laging nagsasabi na “wala silang pera,” parang kakabit na nila ito kahit di mo sila tinatanong. “Scarcity mindset” ang tawag dito. Laging wala. Laging kulang. Laging may problema.

Kailangan ibahin natin ang mindset na Ito. Mas lalo nating ina-attract ang negatibong epekto ng kawalan o kakulangan ng pera.

Dapat tingnan natin ang positibong aspeto ng mga desisyon nating pinansyal.

Katulad ng pangungutang para sa tuition ng anak. Ang dapat na tintingnan natin ay yung kabutihang madudulot nito sa edukasyon ng ating mga anak. Basta magtrabaho tayo ng tama ay matatapos din ang bayarin. Huwag tayong masyadong magpa-stress.

Sa mga retirees, huwag din tayong ma-guilty kung gumagastos tayo para mag enjoy. Panahon na para pagbigyan din natin ang ating mga sarili. Mahaba na rin ang nasakripisyo natin bago tayo dumating sa edad na Ito. Basta responsable lang naman ang ating paggastos at kung mabawasan man ating savings, huwag tayong masyadong mag-alala.

Do not be afraid to talk about money. Bakit naman tayo matatakot? Ano ba ang maidudulot ng di natin pagbabahagi sa mga taong pinagkakatiwalaan natin ng ating sitwasyong pinansyal? Di ba mas gagaan ang loob natin, magkaroon tayo ng ibang perspektibo o pananaw, at matutulungan tayo na magkaroon din ng mas balanseng pag-iisip at mabawasan ang mga negatibong emosyon natin tungkol sa pera?

Educate yourself. Dapat tayong maging financially literate. Kapag mas marami tayong kaalaman tungkol sa pananalapi, mas may kumpiyansa tayo sa mga pinansiyal na desisiyon at maiiwasan natin na tayo ay maloko o ma-scam. Magbasa ng mga artikulo o impormasyon sa internet o di kaya’y makipag-usap sa isang professional financial advisor.

Alamin ang sarili. Totoo naman na ang relasyon natin sa pera ay personal. Kung ano ang naranasan natin nung bata tayo, ito ang mag-iimpluwensiya ng ating paniniwala at pag-uugali tungkol sa pera. Pero sa buhay, marami ang puwedeng magbago. At kung ang pagbabago na ito ay ang pagkakaroon mo ng mas positibo, healthy at magaan na pakiramdam sa pera at sa kabuuang pinansyal na buhay, yakapin mo yan ng lubos at pagtibayin mo pa.

O, Juan, kamusta naman kayo ng pera mo?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -