KAISA ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto na may temang “Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa” (Stories of the People, Essence of the Nation).
Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines) na siyang nangunguna sa selebrasyon ng Buwan ng Kasaysayan, ang pagdiriwang sa taong 2024 ay tututok sa pagpapahalaga sa kasaysayang pampook bilang mahalagang salik sa pagbubuo ng pambansang kasaysayan.
Kapag inalam natin at inilagay natin ang ating mga sarili sa konteksto ng ating mga pook na tinitirahan, pinag-aaralan, o pinagtatrabahuhan, ay lalo tayong napapalapit sa ating nakaraan at sa mga aral na nais nitong ituro sa atin.
Naghanda ang NHCP at ang mga partner nito ng iba’t ibang paraan upang mahikayat ang ating mga kababayan na alamin ang kasaysayan ng kanilang pook at ng buong bansa.
Puntahan ang tinyurl.com/historymonth2024 para sa karagdagang detalye.