30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Financial literacy training para sa mga MTD applicants

- Advertisement -
- Advertisement -

SA tulong ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), ang Office of the Vice President (OVP) ay nagdaos ng Financial Literacy Training para sa mga Mag negosyo ‘Ta Day (MTD) individual applicants noong Hulyo 19 sa Manaul Room, OVP Central Office.

Resource Person sa training si Gerardo Franco, Information Officer IV mula sa PDIC. Pinangunahan niya ang pagtuturo sa kahalagahan ng pag-iipon at wastong pangagalaga ng income.

Ang training ay bahagi ng implementasyon ng MTD program kung saan ang mga aplikante ay hindi lamang nabibigyan ng financial grant kundi nabibigyan din sila ng kapasidad sa pamamagitan ng pagsasanay tulad ng financial literacy, basic business management, at iba pang kasanayan sa pagnenegosyo.

May kabuuang 13 aplikante ang dumalo sa pagsasanay mula sa iba’t ibang barangay kabilang na ang Brgy. Western Bicutan, Taguig, Sampaloc, Manila, Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Brgy. San Juan, Cainta, Brgy. Commonwealth, Quezon City, Brgy. North Fairview, Quezon City at Brgy. Bago Bantay, Quezon City.

Ilan sa sa kanilang mga negosyo ay Sari-Sari Store, Mobile Food Vending, Photocopy and Printing Shops, at Bakery.

Ang MTD ay livelihood program ng OVP na naglalayong magbigay ng alternatibong mapagkukunan ng pondo sa mga indibidwal o grupo upang palawakin at mapanatili ang kanilang kabuhayan o negosyo.

Hangad ng tanggapan na mas marami pang mga Pilipino ang matulungan ng MTD para sa ikauunlad ng kanilang pamumuhay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -