27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Bagong espaltadong NLEX, SCTEX para sa mga babiyaheng Luzon ngayong Setyembre 2024

- Advertisement -
- Advertisement -

TARGET matapos ang isinasagawang rehabilitasyon sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa Setyembre 2024.

Sa rehabilitasyon kabilang ang pagsasaayos sa mga kalsada, tulay, at mga exit at entry partikular ang asphalt patching o pagsisiksik ng aspalto sa mga butas na bahagi, rotomilling o pagsusuyod sa mga gastado nang aspalto, at ang asphalt overlaying o ang paglalatag ng bagong aspalto na magsisilbing road surface.

Sinabi ni NLEX Corporation President Luigi Bautista saklaw ng rehabilitasyon ng NLEX ang bahagi ng Bulacan gaya ng mga sumusunod: Mabiga sa Plaridel, Tabang Toll Plaza sa Guiguinto, sa southbound lane mula sa Tabang spur exit ramp hanggang sa barangay Burol II sa Balagtas at mga entry at exit ramps sa Bocaue Toll Plaza.

Sa bahagi naman ng Pampanga, prayoridad na maitaas ang lebel ng kalsada ng NLEX sa may Tulaoc sa San Simon.

Makikita sa larawan ang kasalukuyang rehabilitasyon sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Balagtas, Bulacan. Target matapos ang lahat ng rehabilitasyon sa NLEX at karugtong nitong Subic-Clark-Tarlac Expressway sa Setyembre 2024 bago ang holiday season. (PIA 3)

Kasama rin sa rehabilitasyon ng NLEX ang pag-aspalto sa magkabilang lane ng North Harbor Link.

Samantala, inaayos ang kalidad ng mga kalsada sa SCTEX Spur Ramp o ang dugtungan nito mula sa NLEX at gayundin ang mula sa SCTEX pabalik sa NLEX.

Dagdag pa sa inaayos sa SCTEX sa bahaging Pampanga ay ang sa Manuali sa Porac; Dampe sa Floridablanca; at Margot sa Angeles.

Mayroon ding rehabilitasyon sa Old San Jose patungong Tarlac; San Ramon at Pagalanggang sa Dinalupihan Bataan. (PIA Region 3-Bulacan)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -