NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Francis Tolentino hinggil sa insidente sa pagitan ng mga barko ng Chinese Coast Board at barko ng Philippine Coast Guard.
Sabi ni Sen Tolentino, “Ang pagbangga ng Chinese Coast Guard na nagdulot ng pinsala sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay nagpapakita ng pangangailangang suriin ang sinseridad ng China sa kanilang pakikilahok sa Bilateral Consultative Mechanism.
“Hindi katanggap-tanggap ang ganitong agresyon! Dapat igalang ng China ang soberanyang karapatan ng Pilipinas at sumunod sa international maritime law.” Mula sa Facebook page ni Senator Francis Tolentino