NAGING panauhin si Senator Bong Go ngayong Miyerkules, August 21, sa ginanap na League of Municipalities of the Philippines (LMP) Luzon Island Cluster Conference sa paanyaya ni LMP National President Mayor JB Bernos.
Idinaos ang okasyon sa Royce Hotel sa Pampanga.
Sinabi niya sa mga alkalde na bukas ang kanyang tanggapan para sa mga ito at handa siyang tumulong sa mga ito sa paglalapit ng serbisyo sa kanilang mga constituents sa abot ng kanyang makakaya at kapasidad.
Nagpasalamat din siya sa mga 451 na mga alkalde sa pagtulong sa kanyang mga inisyatiba gaya ng isinasagawa niyang pamamahagi ng tulong at iba pang relief activities para sa mga residente sa mga munisipalidad na mahihirap at nagiging biktima ng mga sakuna at kalamidad.