BINATI ni Senator Loren Legarda ang Commission on Elections (Comelec) sa araw ng pagkakatatag nito ngayong Agosto 22, 2024.
Sabi ni Legarda, “Ngayong araw ay ginugunita ang pagkakatatag ng Commission on Elections. Mula nang ito’y mabuo sa bisa ng Commonwealth Act No. 607 noong 1941, ang Comelec ay patuloy na nagsusumikap upang matiyak ang pagsasagawa ng patas, tapat, at malayang halalan. Ating binibigyang-pugay ang mga naglilingkod upang pangalagaan ang integridad ng balota at tiyakin na mapapakinggan ang boses ng bawat Pilipino.”