NANINIWALA si dating Senate President Miguel “Migz” Zubiri na dapat suportahan ang turismo sa pamamagitan ng magandang imprastraktura.
Aniya, “Panalo sana ang ating mga beach at tanawin kumpara sa tourist destinations ng ibang bansa pero talo nila tayo pagdating sa mga airport, public transport, connectivity, at supply ng kuryente.
”Sayang ang ganda ng Pilipinas kung hindi natin susuportahan ng magandang imprastraktura. Kaya naman nagpatawag tayo ng Committee on Economic Affairs hearing para pag-aralan kung paano natin mapupunan ang mga pagkukulang natin sa tourism infrastructure, at kung paano natin maitutugma ang mga plano at programa ng national at local governments.
”Sa ganitong paraan, lalo nating mapapaunlad ang ating turismo, at matatapatan natin ang ating mga kapitbahay na bansa dito sa Southeast Asia.
“Maraming salamat kina Sen. Bato dela Rosa, Sen. Grace Poe, Gov. Nilo Demerey Jr., Mayor Sol Matugas, Mayor Alfredo Coro, at sa lahat ng local officials at regional and national agency officers na nakasama natin sa ating hearing.”