30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Ambassador of the Socialist Republic of Vietnam to the Philippines nag-courtesy call Kay VP Sara

- Advertisement -
- Advertisement -
NAG-COURTESY call ang Ambassador of the Socialist Republic of Vietnam to the Philippines Lai Thai Binh sa Office of the Vice President sa Mandaluyong City. Ibinalita ni Vice President Sara sa kanyang Facebook page.
“Masaya po nating tinanggap sa ating opisina si His Excellency Lai Thai Binh, Ambassador ng bansang Vietnam sa ating bansa noong nakaraang buwan.
Pinag-usapan namin ang patuloy na kooperasyon ng ating bansa at ng bansang Vietnam lalo na sa larangan ng edukasyon dahil ang kanilang bansa ay isa sa mga aktibong miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization kung saan tayo ay Pangulo noong ako ay Kalihim pa ng Kagawaran ng Edukasyon.
Pareho kaming nagagalak na ang bansang Pilipinas at Vietnam ay patuloy na tinatamasa ang magandang diplomatic relations.
”Inimbita ko rin si H.E. Lai Thai Binh sa aking opisina at ipinakita natin ang alaala ng pagkakaibigan ng aming mga bansa.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -