30.2 C
Manila
Martes, Nobyembre 5, 2024

DBM, naglabas ng P31.93 bilyon nitong Sept.10, 2024, para sa salary adjustment ng mga ahensya ng gobyerno

- Advertisement -
- Advertisement -

KASALUKUYAN nang ipinatutupad ang pagtaas ng sahod sa mga ahensya ng gobyerno matapos simulan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng pondo para sa nasabing layunin.

Ito ay matapos pirmahan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 64 na nag-aapruba ng Salary Standardization Law VI (salary increase) para sa lahat ng sibilyan na kawani ng gobyerno noong ika-2 ng Agosto 2024.

Kahapon ng 1:00 ng hapon, ika-10 ng Setyembre 2024, may kabuuang P31.93 bilyon na ang nailabas na pondo para sa 257 na departamento/ahensya, habang mahigit 58 naman ang kasalukuyang nasa proseso.

“We are doing everything we can so that we can release the budget to all agencies as soon as possible. Ito po ‘yung pinakahihintay ng ating mga kasamahan sa gobyerno. Of course, we also urge the heads of the departments and agencies to distribute immediately the salary differential since ‘yung increase po is retroactive starting January of this year,” pahayag ni DBM Secretary  Amenah “Mina” Pangandaman.

Ayon sa pinakabagong datos ng DBM, ang pondo para sa salary adjustment ay nailabas na sa mga sumusunod na departamento/ahensya:

Congress of the Philippines

Office of the President

Office of the Vice President

Department of Agriculture

Department of Budget and Management

State Universities and Colleges

Department of Education

Department of Energy

Department of Environment and Natural Resources

Department of Foreign Affairs

Department of Health

Department of Information and Technology

Department of Interior and Local Government

Department of Justice

Department of Labor and Employment

Department of Migrant Workers

Department of National Defense

Department of Public Works and Highways

Department of Science and Technology

Department of Social Welfare and Development

Department of Trade and Industry

National Economic Development Authority

Other Executive Offices (OEOs)

Civil Service Commission

Commission on Audit

Commission on Human Rights

Metropolitan Manila Development Authority

SSL VI dashboard, inilunsad

Sa ngalan ng transparency, accountability, at good governance, inatasan ni Sec. Mina ang pagsasagawa ng Salary Standardization Law VI (SSL VI) dashboard. Ito ay isang kasangkapang dinesenyo para magbigay ng real-time data sa mga ipinalabas na budget para sa mas madaling pagmonitor at epektibong oversight.

“This dashboard reflects our commitment to transparency and open government. What we want is for the people and our stakeholders to be informed as well as updated in real-time about our budget releases,” ani Budget Secretary.

Ang salary increase dashboard ay aktibo na sa official website ng DBM at pwede nang ma-access sa pamamagitan ng link na ito: https://www.dbm.gov.ph/

Ang pagpapalabas ng mga pondo na may kaugnayan sa salary increase ay base sa mga isinumiteng request ng mga ahensya sa DBM sa kani-kanilang pagkalkula ng salary adjustment at mga requirements.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -