28.7 C
Manila
Huwebes, Pebrero 13, 2025

‘Rehistro Bulilit Campaign,’ inilunsad ng PSA sa Calapan

- Advertisement -
- Advertisement -

INILUNSAD ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro kamakailan ang “Rehistro Bulilit Campaign” na isinagawa sa Brgy. Canubing 2 covered court.

Sinabi ni Chief Administrative Officer at Officer-in-Charge Charlyn Romero-Cantos ng PSA Oriental Mindoro sa ginanap na press conference sa kanilang tanggapan noong Setyembre 9, umabot sa 73 bata na may edad 1-4 na taong gulang ang nairehistro sa nasabing aktibidad upang mapabilang sa National Identification Registration.

Samantala, nanawagan din si Cantos na magkakaroon muli ng “Rehistro Bulilit” sa munisipyo ng Pinamalayan sa darating na Setyembre 12, ganap na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon na itinakda para sa mga bata edad 1-4 na taong gulang.

Kailangan lamang na rehistrado rin ang mga magulang sa National ID para mai-ugnay ang PhilSys Number (PSN) ng bata. Tanging ang mahalagang impormasyon lamang ng bata ang kailangan gayundin ang mukhang larawan.

Dalhin lamang ang mga sumusunod na rekisitos; orihinal na birth certificate ng bata o sertipikasyon mula sa barangay kung saan nakasaad ang pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, lugar ng bahay, at pangalan ng mga magulang.

Maaari rin magparehistro sa National ID ang edad limang taong gulang pataas at magdala lamang ng orihinal na birth certificate o isang valid ID.

Ang kampanyang ito ay nakatakda ring ilulunsad sa iba pang mga bayan sa lalawigan na magtatapos sa Disyembre ngayong taon.

Dagdag pa ni Cantos, itong nakalipas na Agosto 31, 2024 ay mayroon ng 763,283 na bata na may edad isang taong gulang at pataas ang nairehistro na sa National ID System sa buong probinsya. (DN/PIA MIMAROPA-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -