NAGBIGAY ng kanyang pahayag at obserbasyon si Senator Joel Villanueva sa ginanap na Senate Hearing ng Senate Committee on Women investigating the illegal POGOs at ang pagtakas ng dating Bamban Mayor Alice Guo.
Aniya, “Patuloy man po nilang pagtakpan ang katotohanan, hindi po maitatanggi ng mga ebidensya ang koneksyon nina Guo Hua Ping alyas Alice, Cassandra Li Ong, Mayor Dong Calugay at ang kanilang mga kasamahan sa ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.
“Ilan po sa binigyang diin natin ay ang inconsistencies pagdating sa SALN ni Guo Hua Ping at sa BIR at SEC records ng mga kumpanyang kanyang pagmamay-ari na parang front lamang para sa money laundering activities.”