NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senator Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page sa naging ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi nagtugma ang pirma ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa counter-affidavit at signature samples niya. Lumabas sa pagsusuri na ang prima ay ginawa ng magkaibang tao. Narito ang post ni Sen. Hontiveros.
“Sabi ni Guo Hua Ping at ng abugado niya, pumirma siya ng counter-affidavit bago tumakas. Pero ayon sa NBI ibang tao ang pumirma. Isa na namang kasinungalingan na dagdag sa patong patong na kasinungalingan.
“Mananagot dapat hindi lang ang kliyente pero ang kanyang abogado. Sana imbestigahan ito hindi lang ng DOJ (Department of Justice) pero ng Integrated Bar of the Philippines.
”But again the bigger question is: who helped facilitate this? Who aided her escape?”