26.8 C
Manila
Miyerkules, Marso 19, 2025

Paalala mula sa DoH tungkol sa mga aktibong phreatic activity sa Bulkang Taal

- Advertisement -
- Advertisement -
PINAG-IINGAT ang publiko ng Department of Health at Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DoST-Phivolcs) kaugnay sa mga galaw ng Bulkang Taal sa mga nakalipas na oras nitong Miyerkules, Oktubre 3, 2024.
Nagresulta ang mga singaw na usok ng bulkan sa maulap na kalangitan sa taas ng bulkan, habang napanatili nito ang Alert Level 1 status. Ang mahina ngunit aktibong phreatic activity ay sanhi ng patuloy na paglabas ng mainit na volcanic gas mula sa Pangunahing Bunganga ng bulkan.
Sa kasalukuyang antas ng mga pagyanig sa bulkan at pagalaw ng lupa hindi nawawala ang posibilidad na magtuloy ito sa magmatic eruption kung kaya’t pinagiingat ang lahat partikular na ang mga nasa Permanent Danger Zone (PDZ) ng Taal.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -