29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Pagpapaunlad ng pakain sa ıgat, hatid ng UP Visayas at DoST-PCAARRD

- Advertisement -
- Advertisement -

Ang pakaing nadebelop ay tumutulong sa mga ‘glass eels’ upang maiwasan ang mga sakit dala ng pagpapakain ng ‘live plankton feed’ at tinadtad na laman ng isda kung saan maaaring makaapekto sa buong nursery culture operations ng mga igat. Ang mga sangkap sa pakain ay praktikal at lokal na makikita sa Pilipinas upang madali itong magamit ng mga tagapag-alaga ng igat.

Sa pangunguna ni Ginoong Fredson Huervana ng Institute of Aquaculture, College of Fisheries and Ocean Sciences sa UPV, ang teknolohiyang ito ay resulta ng proyektong, ”Development of Brackishwater Nursery Culture Systems for Tropical Anguillid Eel Anguilla marmorata in the Philippines.”

Ang paggamit ng floating glass eel feed ay mabuti para sa akwakultura ng mga igat dahil mas nakatutulong ito upang biswal na mapag-aralan ang kalagayan at kondisyon ng mga igat. Madali ring mao-obserbahan at maihihiwalay ang mga igat na may sakit at impeksyon kaya  mas maiiwasan nito ang posibleng pagkalat ng sakit sa ‘culture system.’

Ayon sa mga tauhan ng proyekto, itinuturing na ‘Billion US-dollar Industry’ ang kalakalan ng igat. Ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing tagapag-export ng igat na ginagamit sa akwakultura sa silangang bahagi ng Asya.

Sa mga panibagong legal na patakaran sa ilalim ng Fisheries Administrative Order 242, pinapayagan lamang ang pag-export ng mga batang igat na may habang anim na pulgada. Inaasahan ng proyektong makapagdebelep ng mga ‘nursery-rearing technologies’ upang mapalaki ang mga igat sa Pilipinas batay sa inirerekomendang sukat. Sa pamamagitan nito, matutulungang mapangalagaan at mapamahalaan ang mga igat. Ang pagpapatupad ng teknolohiyang ito ay makatutulong sa pag-export ng mga igat na base sa legal nitong sukat.


Patuloy na tinutugunan ng floating eel feed ang mabagal na ‘growth at survival rate’ ng A. marmorata at A. bicolor pacifica glass eels. Naipakita ng isinagawang ‘feeding trial’ ang mas mabilis na growth at survival rate ng mga ‘eel larvae’ kumpara sa mga igat na pinapakain ng live feed.’

Sa tulong ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DoST-PCAARRD), ang proyektong ito ay nasa ikalawang taon na ng implementasyon. Kasama ang Konseho, patuloy pa rin ang proyekto sa pagtuklas ng mga bagong teknolohiyang makatutulong sa konserbasyon at pamamahala sa mga igat.

(Sinulat Nina Dr. Rex Ferdinand M. Traifalgar, Kelee Ira B. Nodque, Cedric Jay A. Nantong, Fredson H. Huervana, Rizza B. Ramoran, Fedelia Flor C. Mero; Isinalin sa Filipino ni Ginia Felice C. Garcia, DOST-PCAARRD S&T Media Services)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -