27.4 C
Manila
Huwebes, Marso 20, 2025

Sa ika-50 anibersaryo ng Kasanggayahan Festival, Chiz binati ang mga Sorsoganon: Parating na ang mas magandang bukas

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON kay Senate President Chiz Escudero, hindi na lang tuldok sa mapa ng Bicol peninsula ang Sorsogon, isa na itong pangunahing contributor sa paglago ng rehiyon.

Sabi niya, “Isang maligayang pagbati sa aking mga kababayan sa minamahal kong lalawigan ng Sorsogon sa ika-50 anibersaryo ng Kasanggayahan Festival.

“Sama-sama tayong nagsumikap para makamtan ang malaking pagbabago at pag-uunlad ng ating lalawigan at sama-sama pa din tayong lahat na tatahakin ang daan tungo sa mas maganda at mas maipagmamalaki pang Sorsogon, hindi lang para sa atin ngayon, kundi pati sa susunod na mga henerasyon.

“Happy 50th Kasanggayahan Festival. Happy 130th Anniversary of the founding of the province of Sorsogon and Happy 455th Anniversary on the occasion of the first mass in Luzon, held at the town of Magallanes in Sorsogon!”

Ang Kasanggayahan Festival ay tinaguriang “Festival of Festivals” sa Sorsogon. Ngayong taon din ang ika-130 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sorsogon bilang isang lalawigan at ang ika-455 anibersaryo ng unang misa ng Katoliko na ginanap sa Luzon.

Ang makasaysayang kaganapan ay pinangunahan ni Augustinian missionary Fray Alonso Jimenez noong Oktubre 19, 1569 sa bayan noon na kilala bilang Hibal-ong, ngayon ay Magallanes, Sorsogon, sa panahon ng isang ekspedisyon na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi.

Kasama ng mayaman nitong kasaysayan, marami ang natutunan ng mga mamamayan ng Sorsogon.

“Sa ating lalawigan, pinagpupulutan ng aral ang pagkakamali. Sa ating lalawigan dinadagdagan dapat ang ating nagawa na upang sa isipan ng bawat isa, isagawa ng simpleng prinsipiyo: hindi na pwede ang pwede na at dapat sa lahat ng panahon, una ang Sorsogon,” sabi ni Escudero

“Malayo pa pwede nating marating bilang isang lalawigan. Malayo pa pwedeng marating bilang Sorsoganon. Maniwala lang kayo sa inyong kapasidad, maniwala kayo sa angking talino, talento at galing. Naniniwala ako na sa ating pinagsamang lakas at sa ating pagkakaisa, wala tayong hamon, wala tayong pagsubok na di natin malalampasan, bilang isang lalawigan at bilang mga Pilipino,” dagdag pa ni Escudero.

(Halaw ang artikulo at mga larawan sa Senate of the Philippines website)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -