30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Cayetano: Hindi pulitika kundi sama-samang pagkilos ang susi sa pagbabago ng bansa

- Advertisement -
- Advertisement -

IMBES na iasa ng Pilipino sa pulitika ang pagbabago ng Pilipinas, dapat sama-samang kumilos ang lahat at maging mabuting impluwensya sa kani-kanilang sektor.

Ito ang binigyang diin ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang talumpati sa Business As Mission (BAM) Asia Conference sa Taguig City nitong Sabado, Oktubre 19, 2024.

Ipinunto niya na sa kabila ng pagiging “Christian nation in Asia” ng Pilipinas, nananatili pa rin ang kahirapan, pagdurusa, at imoralidad dahil maraming Pilipino ang nililimitahan ang kanilang pagiging Kristiyano sa loob ng simbahan.

Nanawagan si Cayetano sa mga pinuno ng lahat ng sektor, partikular sa mga Kristiyano, na “magsama-sama” at maging ehemplo ng mabuting gawi sa kani-kanilang larangan.

Binigyang diin niya na hindi mangyayari ang pagbabago kung iilang sektor lang ang nagtataguyod ng katuwiran habang ang iba ay hinahayaan lang ang mga imoral na pag-uugali.

“Environment matters,” wika niya. “If the spheres of business, church, and government meet and say, ‘No more corruption,’ but then in the spheres of entertainment and media they glorify cheating and crime, [transformation will not happen].”

Inihalimbawa niya ang Singapore na umunlad dahil nagkaisa ang lahat ng ahensya ng gobyerno nito na gawing core value ang pagkakaroon ng integridad.

Diin niya, mawawalan ng saysay ang pagsisikap ng ilang sektor kung patuloy pa ring mangingibabaw sa Pilipinas ang katiwalian at imoralidad.

“If Taguig is ‘good soil’ and your business is ‘good seed’, but suddenly the environment is all corruption and immorality, that will be the weed that chokes out the good seeds that’s growing,” wika ni Cayetano.

‘Huwag gawing panginoon ang kayamanan’

Pinaalalahanan din ni Cayetano ang mga negosyante na huwag hayaang mapangunahan ng paghahangad sa kayamanan ang kanilang values.

Hinimok niya ang mga ito na palaguin ang relasyon sa Panginoon at maging inspirasyon sa iba pang kapwa negosyanteng Pilipino.

“Make money but not make money your lord,” wika niya.

Ibinahagi rin ng senador ng kanyang mga personal na karanasan bilang isang Kristiyanong lider.

Pinagmuni-munihan ng senador ang kanyang tatlong dekadang karera mula sa pagiging municipal councilor hanggang senador, Secretary of Foreign Affairs, at Speaker of the House, at sinabing ang mga tagumpay na iyon ay nagkaroon ng kabuluhan nang noong ginamit niya ito para sa gawain ng Diyos.

Wika ni Cayetano, napagtanto niya na kaakibat ng pagiging isang Christian government leader ay ang responsibilidad na gabayan ang iba pang nasa serbisyo patungo sa Diyos.

“All of these titles are meaningless unless I do God’s work,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -