30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Handa ka ba sa parating na bagyo?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, may parating na naman daw na bagyo. Naku, marami na namang kawawa lalo sa may bandang Norte.

Oo nga, Juan. Magpapasko na pero dinadalaw pa rin tayo ng bagyo. Climate change na talaga. Nakailang bagyo na ba tayo ngayong taon?

Naku, Uncle, marami na. Sabi nga ng PAGASA, may average na 20 na tropical cyclones ang pumapasok sa rehiyon at 8 o 9 ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), lalo na  tuwing July hanggang October.

Grabe nga at patindi ng patindi ang pinsalang ginagawa ng mga bagyo at ang bahang dinudulot nito sa ating ekonomiya at personal nating mga buhay. Alam mo ba yun, Juan?

Sige nga, Uncle, ipaliwanag mo nga yan kasi dapat lagi din tayong handa sa mga sakuna, partikular na sa pinansyal na mga bagay na kalimitan ay hahagupitin ka ng mga malaking gastusin para lang makarekober at makabangon muli.


Totoo yan, Juan. Ang pinsala ng bagyo sa ating mga pananim, negosyo, trabaho, bahay, kalusugan at iba pa ay hindi biro. Kaya mabigat din ang pressure sa gobyerno at sa iba pang sektor na tumulong at makipagbayanihan para lang maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.

Kaya lang, meron ding responsibilidad ang bawa’t isa sa atin na mas maging handa sa mga krisis na dulot ng bagyo, lalo na tungkol sa pera at mga pinansyal na aspeto.

Ang financial preparedness ay mahalaga at hindi dapat isinasantabi at kikilos lamang pag nandyan na ang problema. Ito ay hindi lamang sakop ng  pamahalaan o pribadong sektor, kundi ang bawa’t tao na may katungkulan na maging responsable at matatag na maiwasang maanod sa kawalan ng financial resources o pananalapi sa gitna ng delubyo. Kahit pa may typhoon warning signals na binibigay ang Pagasa kapag may parating na bagyo, hindi nangangahulugang diyan lamang tayo aaksyon, mapa-physical man o financial preparation.

Ayon sa isang pananaliksik ng Asian Development Bank o ADB, bumabagsak ang economic activity sa Pilipinas ng 1 hanggang 2 porsiyento kapag may bagyong, mahina hanggang matindi, na pumasok sa ating bansa. Iba-iba rin ang epekto depende sa rehiyon ng bansa.

- Advertisement -

Sa taong 2023, ayon sa Philippine Statistical Authority o PSA, ang total damages na dulot ng nakaraang mga bagyo ay nagkakahalaga ng 23 billion pesos. Ang pinakamataas na halaga ng pinsala ay naitala noong 2013 dahil sa bagyong Haiyan o Yolanda.

Ayon sa World Bank, ang bagyong Yolanda ay nagbunga sa pagkawala ng 6,300 na buhay at mga $12.9 billion sa damages at losses, na katumbas ng 4.7 porsiyento ng Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas noong 2013.

Sa kanilang pag-aaral, ang mga bagyo o kalamidad ay nagpapalalim pa lalo ng problema natin sa kahirapan. Nahihirapan ang mga mahirap na maka-recover pagkatapos ng isang delubyo at sila ay nakadepende sa cash o pera na maibibigay sa kanila ng pamahalaan o pribadong sektor at sa social welfare na programa ng gobyerno.

Ang mga krisis o mga di inaasahang emergencies, tulad ng natural disasters, ay puedeng magresulta sa pagkaubos ng naipon,  pagkabaon sa utang, mauwi sa bankruptcy, o di kaya’y mahihirapan at matatagalan na makabangon at itayo muli ang kabuhayan.

Paano kaya tayo magiging financially prepared bago pa dumating ang isang bagyo o kalamidad?

I-BAGYO kaya natin ang ating paghahanda:

- Advertisement -

B- aguhin mo ang pananaw mo tungkol sa mga krisis na dumadating sa buhay natin. Siguro yung mentalidad natin na  “bahala na si Lord” o “bahala na ang gobyerno” ay iwasan na natin. Parati namang binabagyo ang Pilipinas at hindi na katakataka, lalo na kung ikaw ay nakatira sa may coastal area o bahaing lugar sa siyudad, na tatamaan ka talaga ng sakuna. Kaya mahalaga na maghanda parati at kung tayo man ay tutulungan ng gobyerno o ng mga mapagbigay na mga tao o kumpanya, bonus na yun. Pero mas mabuting magsimula na sa atin ang preparasyon para sa mga ganyang situwasyon.

A- sess mo ang mga insurance policies ng iyong property, sasakyan o anumang assets na meron ka. Dapat may kopya ka ng mga ito kung sakaling matindi ang baha at mawala ang nga dokumentong ito. Siguraduhing tama pa rin at updated ang value ng mga insurance na ito ng iyong mga property at iba pang assets.  Naalala ko nung nag-Ondoy at inabot ang sasakyan ko, meron akong Acts of God na insurance coverage kaya napagawa ko siya na wala akong binayarang malaki.

G- umawa ng Emergency Fund. Mag-ipon ng tatlo o anim na buwan na halaga ng iyong kasalukuyang kinikita. Kung may sobra ka pa, idagdag mo sa iyong emergency fund. Mahirap halimbawa ang hulaan ang puedeng gastusin para ayusin ang mga nasira ng bagyo’t baha. Magtabi ka din  ng konting cash sa bahay kasi puwedeng mangyari na hindi puwedeng gumana ang ATM o credit card sa kasagsagan ng bagyo o kalamidad.

Y- es to Emergency Financial Kit. Kadalasan, lalo na kung bumaha, marami kang mga importanteng financial records, dokumento o mga identification papers na maaring maanod ng baha, mawala o hindi na puedeng ma-reconstruct. Kailangan may malaking plastic envelope ka o megabox na nakatabi sa mataas na lugar kung saan doon nakatago ang mga dokumento tulad ng mga financial accounts sa bangko, insurance policies, medical records, real estate titles, loan documents, mga billing statements, mga pasaporte, IDs at iba pa. Dapat may kopya kayo ng mga ito at kung madidigitize mo lahat ng records, mas mabuti. Kung posible din at kaya mong magbayad, puwede rin kayong umupa ng safety deposit vault sa bangko para mas secure at protektado ang inyong mga papeles. Kung may mga alahas ka, mas mabuting nakatabi ito sa safety deposit vault o di kaya’y nakatago sa mataas na lugar  at isang lalagyan na mahirap pasukin ng tubig.

O-n the go ka sa lahat ng puedeng mangyari. Pag sinabi ng iyong barangay na kailangang lumikas dahil sa inaasahang baha, sumunod ng walang duda at pag-aalinlangan. Magagawa mo ito lalo na kung ikaw ay handa sa mga sinabi ko. Kaya dapat sa mga hindi natin makokontrol tulad ng bagyo o delubyo, importante ang paghahanda sa physical at financial na mga bagay kasi pag nasa gitna ka na ng kalamidad o delubyo, wala ng iba pang mahalaga kundi ang iyong buhay na lamang.

O, Juan, may parating na bagyo na naman daw. Handa ka ba?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -