26 C
Manila
Huwebes, Disyembre 12, 2024

Ang mga mabunying manunulat sa ika-72 Palanca Awards

PUWERA USOG PO

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAGUMPAY ang naging pagdaraos ng ika-72 taon ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City noong Nobyembre 22, 2024. Dinaluhan ito di lamang ng mga manunulat kundi ng mga ambassadors at dignitaries mula sa iba’t ibang embahada sa Pilipinas. Kabilang din sa dumalo ang dalawa sa ating Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na sina Virgilio Almario at Gemino Abad.

Nang gabing ‘yun, pinagkalooban ng ‘Natatanging Gawad Dangal ng lahi’ ang ating mga nabanggit na National Artists for Literature. Nandoon mismo sina Almario at Abad upang tanggapin ang kani-kanilang plake ng pagkilala samantalang kinatawan naman ng publisher na si Karina Bolasco ang pagtanggap ng plake para kay Resil Mojares, isa pang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, na nasa Cebu.

Ang apat na Palanca Hall of Famers ngayong taon: Joshua Lim So (mandudula), Eros Atalia (nobelista), Mikael de Lara Co (makata), at Miguel Antonio Alfredo Luarca (mandudula)
Ang bagong set ng Palanca Hall of Fame awardees kasama ang mga dating Hall of Famers na sina Gatmaitan, Peter Solis Nery, at Jun Robles Lana at ang mga opisyal ng Carlos Palanca Foundation na sina Carlos Palanca IV (at asawang si Nicole) at Dang Cecilio-Palanca

May apat ding manunulat na iniluklok sa Palanca Awards Hall of Fame ngayong taong ito: sina Eros Sanchez Atalia (nobelista/kuwentista), Mikael de Lara Co (makata), Miguel Antonio Alfredo ‘Guelan’ Luarca (mandudula), at Joshua Lim So (mandudula). Sa kabuoan, may 30 manunulat na ngayon na kabilang sa Hall of Fame. Paano ba napapabilang sa Hall of Fame? Ang isang manunulat ay kailangang manalo ng Unang Gantimpala ng limang ulit sa ano mang kategorya ng patimpalak na ito. Taong 2019 pa nang huling may nailuklok sa Hall of Fame sa katauhan ni Lamberto Antonio, makata at mananaysay, na namayapa nang nagdaang taon.

Naging Guest of Honor si Jun Robles Lana at tumanggap din ng parangal bilang Gawad Dangal ng Lahi

Naging tampok na tagapagsalita ang kilalang direktor ng pelikula na si Jun Robles Lana, na kung ilang ulit nanalo ng Palanca para sa kanyang mga screenplay at dula. Nailuklok siya sa Palanca Awards Hall of Fame noong taong 2006. Matapos ang kanyang talumpati, pinagkalooban siya ng ‘Gawad Dangal ng Lahi’ ng Carlos Palanca Foundation sa pangunguna ni Carlos Palanca IV, ang presidente ng Carlos Palanca Foundation, at ni Criselda ‘Dang’ Cecilio-Palanca, ang tagapagsalita ng CPF na siya ring nagde-deliver ng sponsor’s remarks taon-taon.


Binanggit ni Lana sa kanyang speech na noong manalo siya dati sa kategoryang screenplay para sa kanyang akdang ‘Mga Bangka sa Tag-araw’, ang punong hurado ay ang National Artist for Cinema na si Marilou Diaz-Abaya. Agad daw siyang inalok ni Direk Marilou na isapelikula ang kanyang Palanca award-winning screenplay na ito. ‘Yun daw ang naging pasimula nang paglusong niya sa daigdig ng pelikula. Nang gawing pelikula ang ‘Mga Bangka sa Tag-araw,’ binigyan ito ng bagong pamagat: ‘Sa Pusod ng Dagat,’ na pinagbidahan ni Jomari Yllana. Nilingon ni Lana ang malaking papel ng Palanca Awards sa maituturing niyang turning point ng kaniyang buhay.

Kasama ni Gatmaitan sina Ani Almario (ng Adarna House), Augie Rivera, National Artist Virgilio Almario, at Karina Bolasco (publisher)

Ngayong taong ito, nakahihigit ang bilang ng mga baguhang manunulat sa nakasungkit ng Palanca: may 31 first time awardees mula sa 54 winning entries sa iba’t ibang kategorya. Ang pinakamatandang winner ngayong taong ito ay lampas sitenta anyos (patunay na kaya pang manalo ng ating mga senior citizens). Samantala, edad katorse naman ang pinakabatang winner. Ayon kay Dang Cecilio-Palanca, sa kanyang ginanap na ulat noong Gabi ng Palanca, may higit dalawang libong lahok daw ang tinanggap ng Palanca. Mula rito, 54 lamang ang idineklarang nanalo. May 2,580 na manunulat na ang kinilala ng Palanca mula noong nagsimula ito noong 1951.

Reunion din ang Palanca Night ng mga literary writers

Dalawa sa mga winners ay napansin kong nakasuot ng kanilang native attire: isang kabataang lalaking manunulat mula sa Davao Occidental at isang babaeng manunulat mula sa lalawigan ng Sarangani. At parehong bata pa sila. Nasa mabuting kamay ang ating panitikan.

Kasama ng kolumnistang ito sina Dang Cecilio-Palanca, actress Chanda Romero, at filmmaker na si Jun Robles Lana

Taong 1951 nang itatag ang Palanca Awards sa alaala ni Carlos Palanca, isang matagumpay na negosyante na may malaking puso sa panitikan at sining. Ang pamilya ng mga Palanca ang may-ari noon ng kumpanyang La Tondena, isang kilalang pagawaan ng alak. Itinaguyod ng kanyang pamilya ang taon-taong pagpaparangal sa pinakamahuhusay na manunulat ng bansa. Noon daw ay sa gusali pa ng Palanca sa Quiapo ginagawa ang taunang pagpaparangal sa mga nagwaging manunulat.

- Advertisement -
Kasama ni Gatmaitan sina Direk Jun Lana, Elmer Gatchalian (hurado), at Augie Rivera (hurado)

Matagal na panahong ang naging Direktor-Heneral ng Carlos Palanca Foundation ay si Sylvia Palanca-Quirino, na napaka-hands on sa pagpapatakbo ng naturang awards. Katuwang niya rito ang manager ng Palanca Awards na si Nemie Bermejo na siyang masigasig na namamahala sa judging process ng mga entries taon-taon. Inilipat na ang pamamahala ng Palanca Awards kay Carlos Palanca IV, isa sa mga apo ni Carlos Palanca, dalawang taon na ang nakalilipas.

Kasama ni Gatmaitan ang kapwa kolumnista ng Pinoy Peryodiko na si Danton Remoto, international book author; at ang Guest of Honor Direk Jun Robles Lana

Matatandaan na noong nagdaang dekada, karaniwang isinasagawa ang Palanca awarding tuwing Setyembre 1, ang anibersaryo ng kamatayan ni Carlos Palanca. Pero mula noong taong 2022, nang muling magbalik ang Palanca Awards (na pansamantaang huminto dahil sa naganap na pandemyang Covid-19), sa buwan na ng Nobyembre ito ginaganap.

Ang mag-asawang Ramon at Nemie Bermejo ng Palanca Foundation kasama ang inyong lingkod, at mga panauhing sina Gng Librada Gatmaitan (ina ng kolumnistang ito), Yna Reyes (hurado), at Dr. Rosalinda Fuentes Parilla

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 72nd Carlos Palanca Memorial Awards for Literature:

KABATAAN DIVISION

KABATAAN SANAYSAY 

1st Prize    Glorious Zahara Exylin Alesna    (Dito sa Kanlungan ng Hiraya’t Katotohanan)

- Advertisement -

2nd Prize    Raya Mitra    (Sinulid at Buhay)

3rd Prize    Lancelot MJ Edillor    (Bura, Sulat)

 

KABATAAN ESSAY 

1st Prize    Brant Angelo Ambes    (The Digital Snowball)

2nd Prize    Ruth Mecanelle Magolhado    (My Humanly Unhuman Friend)

3rd Prize    Glorious Zahara Exylin Alesna    (Some Things Must Never Change)

 

FILIPINO DIVISION

MAIKLING KUWENTO 

1st Prize    Mark Anthony Angeles    (Gagambang-bahay)

2nd Prize    Hannah Leceña    (Siya si Ril)

3rd Prize    Aljane Baterna    (Ang Lungga)

MAIKLING KUWENTONG PAMBATA 

1st Prize    Christopher  Rosales    (Musikong Bumbong)

2nd Prize    Brian James Camaya    (Si Bambalito, ang Batang Bayani ng Bangkusay)

3rd Prize    John Patrick Solano    (Atang Para kay Nanang Toyang)

SANAYSAY 

1st Prize    Tomas Agulto    (Tulambuhay ng Isang Makatang Laway)

2nd Prize    David Corpuz    (Autoetnograpiya ng Luksa)

3rd Prize    Adelle Liezl Chua    (Love Child)

TULA 

1st Prize    Mikael de Lara Co    (Panayam sa Abo)

2nd Prize    John Dave Pacheco    (Paa, Tuhod, Balikat ng Tagakaulo: Higatang sa Pangil ng Pana-panahong Pagkalugmok)

3rd Prize    John Brixter Tino    (Dugo ng Aking Dugo)

TULA PARA SA MGA BATA 

1st Prize    John Romeo Leongson Venturero    (Anak ng Baha! Mga Tulang Pambata)

2nd Prize    John Michael Londres    (Saklolo, Trak ng Bumbero!)

3rd Prize    Eros Sanchez Atalia    (Add to Cart at iba pang mga Tula)

DULANG MAY ISANG YUGTO 

1st Prize    Joshua Lim So    (Pagkapit Sa Hangin)

2nd Prize    Hans Pieter Luyun Arao    (Vengeance of the Gods)

3rd Prize    U Eliserio    (Ang Trahedya ni Bert)

DULANG GANAP ANG HABA 

1st Prize    WALANG NAGWAGI

2nd Prize    Miguel Antonio Alfredo Luarca    (Ardor)

3rd Prize    Andrew Aquino Estacio    (Ka Amado)

DULANG PAMPELIKULA 

1st Prize    Andrew Bonifacio Clete    (Championship)

2nd Prize    Raymund Barcelon    (Paglilitis)

3rd Prize    Rian Jay Hernandez    (Dobol)

REGIONAL LANGUAGES DIVISION

SHORT STORY-CEBUANO

1st Prize    Michael Aaron Gomez    (Pamalandong ni Antigo Mokayat)

2nd Prize    Reynaldo Caturza    (Anino)

3rd Prize    Gracelda Lina    (Maninibya)

SHORT STORY-HILIGAYNON 

1st Prize    Serafin Plotria, Jr.    (Ang Liwat nga Paglupad ni Lolo)

2nd Prize    Bryan Mari Argos    (Labô)

3rd Prize    Al Jeffrey Gonzales    (Anagas, Anagas, Baylo ‘Ta Ngalan)

SHORT STORY-ILOKANO 

1st Prize    Neyo E. Valdez    (Panaggawid)

2nd Prize    Ma. Lourdes Ladi Opinaldo    (Uram)(

3rd Prize    Prodie Gar. Padios    (Anniniwan)

ENGLISH DIVISION 

SHORT STORY

1st Prize    Jan Kevin Rivera    (Muted City)

2nd Prize    Antonio Hernandez    (The Man Who Sold Dignity)

3rd Prize    Kiefer Adrian Occeño    (Bee Happy)

SHORT STORY FOR CHILDREN

1st Prize    NO WINNER

2nd Prize    NO WINNER

3rd Prize    Edgar Samar    (A Young Poet Dreams of a Hundred Words that Rhyme with Maynila)

ESSAY  

1st Prize    Lioba Asia E. Piluden    (Ghost-hunting in Sagada)

2nd Prize    Kara Danielle Eraña Medina    (Another Hope Entirely)

3rd Prize    Jade Mark B. Capiñanes    (A Personal History of Sea Urchins)

POETRY 

1st Prize    Joel Toledo    (Silangan)

2nd Prize    Lyde Gerard Sison Villanueva    (La Muerte De La Luz)

3rd Prize    Ana Maria Segunda Lacuesta    (We Are Not Yet Lost)

POETRY WRITTEN FOR CHILDREN 

1st Prize    Edgar Samar    (Every Year, J Gained a Power)

2nd Prize    Stacy Haynie Bolislis Ayson    (Where are the Dinosaurs?)

3rd Prize    Peter Solis Nery    (Thirteen Ways of Looking at Books)

ONE-ACT PLAY 

1st Prize    Eljay Castro Deldoc    (Unidentified)

2nd Prize    Miguel Antonio Alfredo Luarca    (The Impossible Dream)

3rd Prize    Kenneth Theodore Cheng Keng    (Line Up)

FULL-LENGTH PLAY 

1st Prize    Miguel Antonio Alfredo Luarca    (Corridors)

2nd Prize    Dustin Edward Celestino    (Birdie)

3rd Prize    Emilio Antonio Babao Guballa   (The Echoist)

NOBELA

Pangunahing Gantimpala    Eros Sanchez Atalia    (Thirty Virgins)

Natatanging Gantimpala    NO WINNER

NOVEL

Grand Prize    Lakan Ma. Mg. Umali     (The Ferdinand Project)

Special Prize    Michael Aaron Gomez    (The People’s Republic of Negros)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -