ILANG araw pa lang ang nakalilipas ay nakatanggap tayo ng kalatas mula sa Kumpadre Diego Cagahastian, retiradong news editor ng Manila Bulletin, na sa pagsapit ng araw ng Pasko ay nagbigay sa akin ng pambihirang pagkakataon na makapag-alay sa mga tagasubaybay ng pitak na ito ng talaga namang napakapresyosong pamaskong handog.
Nakasulat sa English, sinikap kong isalin sa Tagalog ang piyesa na may pag-iingat na hindi mabawasan ang orihinal na sustansya ng mensahe.
Naririto ang piyesa sa kanyang kabuuan.
Di ba tayo mapalad?
MGA KATANDAAN
Ipinanganak tayo noong mga 40-50-60.
Lumaki tayo noong mga 50-60-70.
Nag-aral tayo noong mga 60-70-80Nakikipagdate tayo noong mga 70-80-90.
Nag-asawa tayo at natuklasan ang mundo noong mga 70-80-90.
Pumalaot tayo noong mga 80-90.
Napanatag tayo noong mga 2000.
Naging higit na matalino tayo noong mga 2010.
At matatag tayong nangagpatuloy sa pagpupunyagi sa mga taon ng 2020.
Sa kwenta, nabuhay tayo sa WALONG magkakaibang dekada.
DALAWANG magkakaibang dantaon.
DALAWANG magkakaibang milenya.
Nalakbay natin ang panahon mula sa telepono na kailangan ang operator para sa mga long distance calls tungo sa video calls saanmang panig ng mundo, mula sa mga slides tungo sa YouTube, mula sa vinyl records tungo sa online music, mula sa mga sulat-kamay na liham tungo sa email at WhatsApp.
Mula sa mga live na programa sa radyo, tungo sa black and white TV, at makaraan sa HD TV. Pumasok tayo sa Video Club at ngayon, nanonood tayo sa Netflix.
Nakilala natin ang mga unang computer, nag-punch card, mga diskette din, at ngayon meron tayong gigabytes at megabytes sa ating mga cell phone o IPad.
Nangagkorto tayo sa buong panahon ng ating kabataan at pagkaraan ay mga pantalon, mga Oxford, Bermuda shorts, etc.
Nagawa nating iwasan ang maagang paralysis, meningitis, H1N1 flu at ngayon Covid-19.
Nilaro natin ang mga skates at tricycle, inimbento ang mga kotse, de gasolina man o diesel, ang mga bisekleta rin, at ngayon ay masaya tayong bumibiyahe sa 100% sasakyang electric.
Oo, dumaan tayo sa maraming pakikipagsapalaran, subalit anong dakilang buhay naging meron tayo!
Maaari nila tayong tawaging “exennials,” mga taong ipinanganak sa mundo ng fifties, na merong kamusmusang analog at kahustuhang gulang na digital.
“Tayo ang tipong Yaheseen-it-all. Nakita mo na lahat.
Ang ating henerasyon ay literal na namuhay at nakasaksi sa lahat ng dimensyon ng buhay nang higit sa naranasan ng iba pang henerasyon.
Ang ating henerasyon ang literal na nagdanas ng PAGBABAGO.
Malaking palakpakan sa lahat ng miyembro ng isang napakaespesyal na henerasyon, na WALANG KATULAD.
Narito ang isang espesyal na mensaheng tinanggap ko mula sa isang kaibigan.
WALANG TIGIL ANG ORAS.
“Ang buhay ay isang tungkulin na iniatang natin sa sarili upang gawin sa tahanan.
“Pag tingin mo, alas seis na ng hapon; pag tingin mo, Biernes na pala; pag tingin mo, tapos na naman ang buwan; pagtingin mo, bagong taon na uli.
PAG TINGIN mo, 50, 60 70 taon na ang lumipas…
Pag tingin mo, hindi na natin makita ang mga kaibigan.
Pag tingin mo, wala na pala ang ating mga mahal sa buhay.
At ngayon, masyadong huli na upang balikan pa ang nakaraan.
Huwag kang tumigil na gawin ang isang bagay na ibig mo dahil lang sa kapus na sa oras.
Huwag pigilan na magkaroon ng kasama sa iyong tabi, sapagkat ang mga anak mo ay sandali lang ay hindi na iyo, at ang natitira mo pang panahon ay mapagyayaman na lamang na muli sa piling ng mga dati nang kaibigan.
Malungkot nga lang na maging ang panahong iyun ay hindi na magbabalik.
Maliban sa ngayon.
Sa edad nating 83, wala na tayong puwang upang magpaliban pa ng mga bagay-bagay.
Ngayon ang araw – wala nang iba pa – ng muling pagbuhay ng pagkakaibigan.
Payo ng kumpare ko, ipasa ito sa sampu ng iyong matatalik na kaibigan.
- Advertisement -