PINURI ni Sen. Cynthia Villar ang pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa ng kanyang panukalang batas na naglalayong magbigay ng mas mahusay na proteksyon sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP), isang Wetland of International Importance na kinikilala sa buong mundo, at ang tanging viable wetland ecosystem sa Metro Manila.
Sa botong 21-0, sinang-ayunan ng Senado ang Senate Bill No. 1536 o ang LPPWP Protection Act, nitong Lunes January 26. Layunin ng panukalang batas na magpatupad ng 3-kilometrong pagpapalawak mula sa kasalukuyang hangganan ng baybayin upang matiyak na ang ekolohikal na integridad ng parehong lupa at tubig ay maayos na mapapanatili at mamanage, at maprotektahan ang mga kritikal na lugar ng biodiversity mula sa mga epekto ng urbanisasyon, ayon kay Villar.
Layunin ng panukalang batas na amyendahan ang Republic Act 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System Act (ENIPAS), upang palawakin ang saklaw ng LPPWP.
Ayon kay Sen.Villar, chairperson of the Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, sa pamamagitan ng pag-apruba sa panukalang batas, tinutupad ng mga senador ang kanilang makabayang tungkulin pati na rin ang kanilang pandaigdigang obligasyon upang matiyak na ang lahat ng hakbang ay isinasagawa upang tuparin ang mga international agreements sa ilalim ng Ramsar Convention, World Heritage Convention, Convention on Migratory Species, at ang ASEAN Agreement on the Conservation of Nature and Natural Resources, at iba pa.
Ang mga mangrove forests ay magsisilbing proteksyon sa Las Piñas at Parañaque mula sa mga kalamidad, nagbibigay ng mga fingerlings na kailangan upang suportahan ang kabuhayan ng 300,000 na miyembro ng komunidad ng mga mangingisda sa Manila Bay, at makakatulong sa seguridad sa pagkain para sa mga residente ng Metro Manila.
“With the buffer zone expansion provided by the bill, the LPPWP will be better conserved and more ecosystems can be conserved with a buffer zone that will broaden the scope of protection, ensure the integrity of its ecosystems, and ensure the free flow of water coming from 4 rivers, Parañaque River of Parañaque, Las Piñas and Zapote Rivers of Las Piñas, and Molino River of Bacoor which are connected with each other.”
Sa kasalukuyang, ang LPPWP ay binubuo ng mababaw na tubig, mga tidal marshes, mudflats, at mga mangrove forests. Ang iba’t ibang ecosystem nito ay tahanan ng hindi bababa sa 5,000 indibidwal mula sa humigit-kumulang 159 uri ng migratory at residenteng mga ibon, 23 uri ng mga tunay at kaugnay na bakawan, ilang mga uri ng isda na may ekonomikong halaga, at mga mollusk. Kasama sa mga waterbirds ang mga nanganganib na mawala tulad ng Philippine Duck, Chinese Egret, at Black Winged Stilt.