KULANG na lang na iyun ang isigaw ni Herman Tiu Laurel, ang walang kapagurang presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), nang mag-alay siya ng munting salu-salo para sa mga bumubuo ng ubod ng pagkilos ng grupo.
Matatandaan na sa pag-init ng tension sa South China Sea noong pagtatapos ng 2023, lumakas ang panganib na ang Amerika ay magtagumpay sa tagong pakana nito na pag-giyerahin ang Pilipinas at China. Ang ganung giyera ang kailangan upang sa bisa ng Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay makialam na nang husto sa gusot sa China ang Amerika. Sinasabi sa MDT, kapag inatake ang Pilipinas ng ibang bansa, ituturing iyun na atake rin sa Amerika, na obligadong gumanti sa nang-aatake.
Mulaโt sapul, giyera ang pangunahing paraan ng Amerika upang dominahin ang mundo.
Sa pagsapit ng administrasyon ni Pangulo Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr., tila lumitaw ang tunay niyang kulay bilang makiling sa Amerika. Antimano sa pagsisimula pa lang ng kanyang panunungkulan, pinagkalooban na niya ang Amerika ng karagdagang apat pang base sa ilalim ng kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreenent (EDCA). Ang baseng EDCA ay nasa loob mismo ng mga kampo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), ngunit kumikilos nang nagsasarili. Sa ilalim ng kasunduan, walang pakialam ni katiting ang mga awtoridad ng Pilipinas sa anumang gagawin ng Amerika sa mga baseng EDCA. Mabuti-buti pa noong mga dating base militar ng Amerika, halimbawa Clark Field at Subic Bay, na mga pinagbabayad ng upa ni Presidente Marcos Sr., di tulad ng mga baseng EDCA na libreng kaloob sa Amerika, naging mga teritoryo ng Amerika na protektado pa ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Nauna nang nabigyan ng limang ganung base ang Amerika sa termino ng namayapang Benigno Aquino III.
Mangyari pa, binatikos ng China ang baseng EDCA. Malinaw na nakaumang ang mga ito sa China (dalawa sa Cagayan, isa sa Isabela na mga 100 kilometro lamang ang layo sa China, at isa sa Palawan na mano-mano na ang pakikipagharapan sa mga abanteng base militar ng China sa South China Sea.
Sa paghahangad ng ACPSSI na pigilan ang pagsabog ng digmaang namiminto sa pagitan ng Pilipinas at China, inorganisa nito ang Anti-War Peace Caravan, na layunin ay ipalansag ang mga baseng EDCA na ang tanging bunga ay magsilbing mitsa ng giyera sa pagitan ng Pilipinas at China. Kung hindi, mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa Ukraine na sinalakay ng Russia bilang pagtatanggol sa sarili laban sa intensyong pananalakab ng Amerika.
Napakakawawa ng Pilipinas kapag nangyari iyun. Daan-daang libong buhay ang mabubuwis, ganap na pagkawasak ng mga tahanan at kabuhayan.
Sa pagsisimula ng 2024, inilunsad ng ACPSSI ang Anti-War Peace Caravan. Mula sa Quezon City Circle, tinugaygay ang daan ng pakikibaka ng bansa laban sa pananalakay ng Amerika – ang Barasoain Church sa Malolos Bulacan na pinagdausan ng Malolos Congress na nagdeklara ng Kalayaan ng Pilipinas na iprinoklama ni Pangulo Emilio Agunaldo noong Hunyo 12, 1898. Tumuloy sa Cabanatuan na kinamatayan ni Heneral Antonio Luna, dumaan din sa Isabela na siyang kinahulihan ni Heneral Emilio Aguinaldo. Iyun ang nagbadya sa pagpanaw ng unang republika.
Atย ang caravan ay nagwakas nga sa Cagayan na sa pangunguna ni Gobernador Manuel Mamba, libu-libong Cagayense ang kumondena sa EDCA.
Makabuluhan ang unang bunga ng caravan. Lalo lang iyun na nagpatibay sa nauna nang adhikain na mula Luzon ang caravan ay ibaling sa Visayas at Mindanao.
Biglang bulaga ngayon ang pinagsanib na ehersisyong militar ng mga pwersang Amerikano at Pilipino sa Hilagang Ilokos noong sumunod na Abril. Bahagi ng ehersisyo ay ang pamilyarisasyon sa operasyon ng Typhon Medium Range Missileย Launch System na itinayo sa Laoag City.
At iyun ang gumimbal sa Anti-War Peace Caravan. Sa anong dahilan at magsasanay ang mga sundalong Pilipino sa paghawak ng pampalipad ng mga nuclear missile?
Lumala ang sitwasyon nang makaraang magwakas ang ehersisyo, nanatiling nakatayo ang Typhon. Dito na lumitaw sa media ang pagtutol ng China. Ayon sa Tagaoagsalita ng Ministeryong Panlabas ng China na si Mao Ning, pinalala nito ang tensyon sa rehiyon at humingi na distrungkahin ang Typhon.
Lubos na nakapagpainitย ang naging sagot ni National Security Adviser Eduardo Ano: โWalang makapagdidikta sa amin โ
May pagkadesperado ang naging decision ni Herman Tiu Laurel na ang Anti-War Peace Caravan na advokasiya ng ACPSSI ay sangkapan ng pakikibaka kontra sa paglansag ng Typhon missile launcher.
Kaya samantalang ang Anti-War Peace Caravan ay nagpatuloy sa pagbaling sa Kabisayaan, sa Kongreso ng ACPSSI sa Cebu noong Agosto 24, nagsimula nang masentroย ang panawagan nito para sa pagdistrungkar ng Typhon sa Northern Luzon.
Lalo pang lumala ang isyu nang ipahayag nina Defense Secretary Gilbert โGiboโ Teodoro at AFP Chief of Staff Romeo Brawner na hindi lamang hindi nila babaklasin ang Typhon sa Laoag kundi dadagdagan pa nila ito ng marami pang Typhon sa paligid ng Pilipinas.
Di kaginsa-ginsaโy naging simbolo ang Typhon ng nagpapatuloy na pangangayupapa ng pamahalaang Marcos sa diktasyon ng Estados Unidos. Ang paglansag dito ay siyang dapat na simulaing ipinaglalaban ng bawat isang naghahangad na ang Pilipinas ay tuluyan nang makahulagpos sa pananakal ng Amerika.
Sa sumunod na kongreso na ginanap sa Cagayan de Oro noong Enero 25 at 26, 2025, buong lakas nang ipinagsigawan ng mga nagsipagtalumpati ang paninindigan na pagpakamatayan na kung kinakailangan ang paglansag sa Typhon.
Makaraan ang kongreso sa Cagayan de Oro, itinakda na ang maramihang kilos upang lusobin na ang Typhon sa kinatarayuan nito sa Ilokos at maghalo na ang balat sa tinalupan, tuluyan nang lansagin ito.
Kaya sa mga nakakaalam sa alab ng damdamin ng mga namanatang tuluyan nang wasakin ang Typhon, inasahan nila ang magaganap na madugong labanan sa pagsapit ng Pebrero.
Kahapon, nagdaos ng konting salu-salo sa Valle Verdeย Country Club si Mentong Laurel. Akala ko, upang planuhin ang pagasalakay sa Typhon. Hindi pala, kundi upang pag-usapan kung paano ipagdiriwang ang tagumpay.
Buong saya na inanunsyo ng ACPSSI President na inalis na ng Amerika ang Typhon sa Laoag.
โIsa pa lang iyan sa marami pang laban na ating mapagwawagian,โ makumpiyansang pahayag ni Laurel.