26.2 C
Manila
Sabado, Pebrero 15, 2025

Mga kandidato, ituturing na official candidates sa simula ng campaign period ayon sa Comelec

- Advertisement -
- Advertisement -
NILINAW ng Commission on Elections (Comelec) na walang bayolasyon ang mga kandidatong nagsisimula nang mangampanya kahit hindi pa opisyal na nagsisimula ang campaign period.
Nagpulong ang Cordillera Regional Joint Security Control Center sa Baguio City nitong Jan. 28, 2025

โ€œWala pang violation kasi hindi pa sila considered as official candidates. Saka lamang sila considered as official candidates at the start of the campaign period,โ€ paliwanag ni Comelec Baguio Election Officer Atty. John Paul Martin.

Sa Pebrero 11 magsisimula ang campaign period para sa mga tatakbo sa national positions habang sa Marso 28 naman sa local positions. Gayunman, binigyang-diin ni Martin na hindi porket hindi ipinagbabawal ay tama na ito.

Paliwanag naman ni Apayao Provincial Election Supervisor Atty. Mae Richelle Chaudhary, magkaiba ang patakaran sa manual elections at automated elections.

Ayon sa kanya, sa nakaraang barangay elections ay may premature campaigning kung saan, matapos maghain ng kandidatura ang mga kandidato ay pinagbawalan na silang mangampanya hanggaโ€™t hindi pa nagsisimula ang campaign period.

Gayunman, sa automated elections, nakasaad aniya sa batas na kapag nagsimula na ang campaign period ay saka lamang maituturing na kandidato ang mga naghain ng kanilang kandidatura.

โ€œFor this election which is automated, ang batas po natin, sabi niya, nagi-start lang na i-consider na candidate upon the start of the campaign period,โ€ ani Chaudhary.

Inihayag naman ni Comelec-CAR Regional Director Atty. Julius Torres na muli nilang bubuhayin ang Operation Baklas Team na bubuuin ng mga kawani ng Department of Public Works and Highway, Department of Environment and Natural Resources, at iba pang deputized office.

Ang grupo ang magbabaklas sa mga campaign materials na hindi nakapaskil sa mga itinalagang poster areas. (DEG-PIA CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -