27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

TGCMGSF

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -

THANK God meron palang China Media Group-Serbisyo Filipino (CMG-SF).

Nahalukay natin ito sa isang panayam na ginawa ng grupo kay Chairman Raul Lambino ng Association for Philippines China Understanding (APCU). Nangyari na dumalaw si Raul sa libingan ni Paduka Batara, ang Sultan ng Sulu noong mga 1400. Sa gayon, muling tinahak ni Lambino ang landas ng kauna-unahang pagdalaw ng Pilipino sa China. Totoong epiko ang paglalakbay. Kinabibilangan ng enturahe ng 340 katao sakay ng ilang paraw, tinawid nila ang karagatan ng South China Sea, ginaygay ang Ilog papasok ng lupain ng China hanggang marating ang kabisera na Beijing at doon ay buong rangyang tinanggap ni Emperor  Yongle, Emperador ng Ming Dynasty.

Sa panayam, binigyang halaga ni Lambino ang mayamang kasaysayan ng relasyon sa pagitan ng  Pilipinas at Tsina sa kanyang pagbisita sa libingan ni Sultan Paduka Batara sa lungsod Dezhou, lalawigan ng Shandong, gawing silangan ng Tsina. inilarawan ni Lambino ang kahalagahan ng pag-alala sa higit 600 taong kasaysayan ng pagdalaw na pangkaibigan sa Tsina ni Sultan Paduka Batara na kilala rin bilang Paduka Pahala noong 1417.

“Napakahalaga para sa parehong bansa, ang Pilipinas at Tsina, na alalahanin ang kahalagahan ng pagbisitang ito at ang makasaysayang okasyon na nagtatag ng relasyon ng Tsina at dating Sultanato ng Sulu, na ngayo’y bahagi ng Pilipinas,” ani Lambino.

Ayon kay Lambino, ang biyahe sa Tsina ni Sultan Paduka Batara ay nagpakita na ang ugnayan ng dalawang bansa ay nagsimula bago pa dumating ang mga Europeo sa Pilipinas, partikular na ang mga Kastila, kahit hindi ito alam ng maraming Pilipino.


“Ang Sultan Paduka Batara ay simbolo ng kapayapaan at pamumuno ng mga Pilipino. Isa siyang Muslim, ngunit siya rin ay isang mahusay na diplomatiko na pinarangalan ng Emperor Yongle sa Tsina. At binigyan siya ng libing na angkop sa isang hari dito,” saad ni Lambino.

Ang nangyari sa kasaysayan, nasa ilog pa lamang ng Tsina ang Sultan  pabalik ng Sulu, tinamaan siya ng karamdaman na agad niyang ikinamatay. Ang ginawa ni Emperor Yongle ay ipinagtayo siya ng mauseleo upang siyang paglibingan sa kanya.

Hanggang sa ngayon, ang mauseleo ni Sultan Padaka Batara ay isa sa mga dinarayo ng mga turista sa China. Mangyari pa, nagsisilbi itong paalaala sa buong mundo na ang pagkakaibigang Chino-Pilipino ay malalim nang nakatanim sa kasaysayan, di kayang gibain ng kahit gaano katinding intrigang kanluranin.

Sa ngayong pilit pinag-aaway ng Amerika ang Pilipinas sa China upang isulong ang imbing disenyo na maghari sa Asya-Pacifico, minarapat ni Lambino na ulit-ulitin ang mga aral ng kasaysayan, na “mula sa panahon ni Sultan Paduka Batara, sa panahon ni Dr. Jose Rizal [na may dugong Tsino], hanggang sa kasalukuyang kalagayan, ang ating pagkakaibigan sa Tsina ay magtatagal magpakailanman.”

- Advertisement -

 

Iginiit ni Lambino na hindi dapat hayaan ng mga Pilipino at Tsino na sirain ng impluwensiya ng Kanluran ang relasyong ito.

Aniya, naniniwala siya na kahit anuman ang mangyari, magkapitbahay ang Pilipinas at Tsina, at ang South China Sea ay dapat ituring bilang isang tulay na nag-uugnay sa dalawang bansa at mga mamamayan.

Naririto ang natitirang ulat ng panayam ng CMG-SF kay Chairman Lambino:

“Ang Pilipinas at Tsina ay hindi lamang magkaibigang magkapitbahay, kundi tayo ay isang pamilya. Tayo ay mga Asyano. At ito ang panahon upang ipakita sa mundo na tayong mga Asyano ay maaaring magkaisa, maaaring maging magkaibigan, at maaaring magtulungan upang maging mas maunlad,” pahayag niya.

“Sinipi rin ni Lambino ang panawagan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan o community with a shared furture. Ang mga Asyano ay maaari aniyang isakatuparan ang naturang pakay.

- Advertisement -

“‘Hinimok din ni Lambino ang Pilipinas at Tsina na palakasin pa ang palitang tao-sa-tao. Makakatulong ito sa pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino at kulturang Tsino,’ diin niya.

“Mayroon tayong sariling kultura at tradisyon. Mayroon din tayong sariling kahigtan sa iba’t ibang larangan. Gayunpaman, kapwa ang mga Pilipino at mga Tsino ay hospitable, mapagpasalamat, mapagbigay, mababait, at mapagmahal  sa pamilya at matatanda.

“Ang Tsina ngayon ang pinakamayamang bansa sa mundo batay sa purchasing power parity (PPP). Malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas kung mas palalawigin natin ang ating kalakalan at pamumuhunan.

“Gayunpaman, aminado siya na may malaking trade deficit sa pagitan ng dalawang bansa. “Ang ating exports patungo sa Tsina ay nasa 12 bilyon lamang, samantalang ang ating imports mula sa kanila ay mahigit 50 bilyon. Sa kabila nito, parehong makikinabang ang dalawang bansa sa parehong paraan.”

“Ibinahagi rin ni Lambino ang mga aktibidad ng APCU para sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina na natatapat ngayong taon. Kasama rito ang 5th Awards for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) na magbibigay parangal sa mga Pilipinong nagtaguyod ng pagkakaintindihan ng dalawang bansa.

“Ibinalita din niya na pangangasiwaan din ng APCU ang susunod na Asean-China Friendship Organization International Conference na idaraos sa Pilipinas sa Nobyembre 2025.

“Sa tanong kung may posibilidad bang muling bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tsina, sinabi ni Lambino, “Walang nakikitang hadlang dito. Mahalaga ang komunikasyon ng ating Department of Foreign Affairs at ang Ministry of Foreign Affairs ng Tsina upang maisakatuparan ang anumang posibleng state visit.

“Bilang panghuli, hinimok ni Lambino ang sambayanang Pilipino at Tsino na patuloy na pasulungin at palakasin ang palitang tao-sa-tao at mas maraming kultura tulad ng pag-alala sa pagbisita ni Sultan Paduka Pahala sa Tsina, lalo’t magsisilbi aniya itong paalala ng matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina, na bahagi na ng kasayasayan ng mundo.

Si Paduka Batara ay ang Hari ng Silangang Kaharian ng Sulu noong 1400s.

Kasama ang kanyang reyna, mga anak at enturahe na binubuo ng mahigit 340 katao, bumiyahe si Paduka Batara sa Beijing noong 1417 upang makipagkalakalan at dalawin ang kaibigang si Emperador Yongle ng Dinastiyang Ming.

Sa kasamaang-palad, siya ay nagkasakit at namatay habang pauwi sa Sulu.

Nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang kaibigan, agad na ipinag-utos ni Emperador Yongle na ilibing si Paduka Batara na may ritwal na angkop sa isang hari sa lungsod Dezhou at magpatayo roon ng engrandeng musoleo para sa kanyang alaala

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -