PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa digital empowerment ng mga Micro, Smaoo, and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Marketplace, isang e-commerce platform para sa mga “Proudly Filipino” na produkto at serbisyo.
Kasama ni PBBM si First Lady Louise Araneta-Marcos at ang kanilang anak na si William Vincent Marcos sa DTI–Bagong Pilipinas National Food Fair 2025, na nagsisilbi ring “open invitation” sa mga investors na makibahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Bukas para sa lahat ang food fair mula Abril 9 hanggang Abril 13 sa SM Megamall Megatrade Halls 1 to 3.