34.8 C
Manila
Miyerkules, Abril 30, 2025

Roadworthiness ng mga babyaheng bus sa Semana Santa, dapat siguruhin – Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

SA kabila ng inaasahang pagdagsa sa mga terminal ng mga biyaherong pauwi ng probinsya ngayong Semana Santa, pinaalalahanan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero.

Binigyang-diin ni Sen. Raffy sa hearing ng komite kahapon, April 10, na mahalagang magsagawa ng regular na inspeksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus terminal upang tiyakin na roadworthy ang mga ba-biyaheng bus, lalo pa at tadtad na violations ang nasita ni Sen Tulfo sa mga bus operators at terminals sa ginawa niyang inspeksyon kamakailan.

Ayon kay Executive Director Robert Peig, kulang daw kasi sila sa tauhan para magsagawa ng regular inspection, pero sinabi ni Sen. Idol na dapat sila mismo ay lumalabas sa mga airconditioned offices nila upang makita ang totoong sitwasyon ng mga pasahero at ginagawan dapat nila ng paraan para mapigilan ang pagbiyahe ng mga kakarag-karag at nabubulok nang bus.

Sinabi ni Idol na huwag nilang kalimutang i-check lalo na ang mga gulong, brake systems, fire extinguishers, etc. Sinang-ayunan naman ito ni Peig at sinabing oobligahin niya ang mga tao sa kanilang regional offices na magsagawa ng regular na inspeksyon sa terminals.

Sa kabilang banda, sinabihan rin ni Sen. Idol si Peig na kailangang magkaroon ang lahat ng bus terminals ng security personnel na may hand-held metal detectors para ma-check ang mga sasampang pasahero na posibleng may dalang armas o kontrabando para maiwasan na rin ang gulo.

Madalas na nababalita ang mga bus na nawalan ng preno o dili kaya ay pumutok ang gulong. Kaya sinabihan rin ni Sen. Tulfo si Peig na dapat bisitahin ng kanilang mga kawani ang mga motorpool ng bus companies para masigurong qualified mechanics ang nagkukumpuni sa mga ito.

Paraan din ito para macheck ang mga service records ng mga units para masigurong roadworthy at hindi mga tumatakbong kabaong sa kalye ang mga bus na ito.

Nangako si Peig na makikipag-ugnayan agad sila sa Land Transportation Office (LTO) para mas mapaigting ang pagmomonitor sa roadworthiness ng mga bus. Dagdag pa rito, nag-commit din siya kay Sen. Idol na mag-iisyu sila ng Memorandum sa lahat ng regional offices at central office para maipatupad ang kanyang mga rekomendasyon patungkol sa safety at security ng mga terminal at bus.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -