BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer, patuloy na ipinatutupad ngayong Hunyo 25, 2025 ang Libreng Sakay sa MRT-3 at LRT-2, sa pakikipagtulungan ng Maritime Industry Authority (Marina) at Department of Transportation (DOTr) Railway Sector.
Maaari pang sumakay nang libre sa lahat ng istasyon ng LRT-2 mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m., at sa buong operasyon ng MRT-3. Ipakita lamang ang valid SRB, SID, o SIB para sa libreng sakay.