TINANGGAP at binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang ang tatlong Pilipinong nakabisita na sa bawat isa sa 193 UN member countries — isang tagumpay na wala pang 500 na indibidwal ang nakagawa.
Kasama sa mga pinarangalan ng Pangulo ay sina Odette Ricasa, ang unang Filipino world traveler; Luisa Yu na nakamit ang tagumpay sa edad na 79 anyos; at si Kach Medina Umandap na pinakabata sa tatlo.
Kasama rin sa courtesy call ang founder ng pandaigdigang komunidad ng Filipino World Travelers (FWT) na si Donalito “Dondon” Bales.