NAKIISA si Vice President Sara Duterte sa send-off at boodle fight ng
Armed Forces of the Philippines Security and Protection Group (AFPSPG) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Kuwento ni VP Sara, “Masaya akong nakisalo sa mga kasama natin sa Armed Forces of the Philippines Security and Protection Group (AFPSPG) o mas kilala dati bilang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) sa isinagawa nilang Send-Off at Boodle Fight para sa mga kasamahan natin na nagretiro at mga nalipat sa ibang unit noong buwan ng Marso. Tulad ng nakagawian sa tradisyon ng boodle fight ay makikita ang kahulugan ng pagkakaisa at pagsasama-sama.
“Maraming salamat sa inyong serbisyo at sakripisyo para siguraduhing ligtas tayo at ang aking pamilya. Dahil sa inyong tapat at di matatawarang serbisyo ay nagagampanan ko ng maayos at matiwasay ang aking trabaho sa Office of the Vice President.
Mabuhay po kayo, Sirs and Ma’ams!
”Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
”Shukran.”