29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Villanueva sa mga Employers, Gov’t Agencies: Ikonsidera alternatibong work setup sa gitna ng EDSA rehab

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAPELA si Senador Joel Villanueva, principal author at sponsor ng Republic Act No. 11165 o mas kilala bilang Work From Home Law, sa mga employer at ahensiya ng pamahalaan na magpatupad ng alternatibong work arrangement sa gitna ng inaasahang rehabilitasyon ng EDSA sa susunod na mga buwan.

“We have been pushing for the adoption of alternative work setups since January to help our labor force prepare for this long-term rehabilitation effort, which is expected to last two to three years,” sabi ni Villanueva.

Binigyang-diin ng tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resource Development na kailangan ng proactive measures para mapagaan ang pasanin ng mga mananakay araw-araw lalo na ng mga manggagawang nauubos ang oras sa trapik para makapasok sa kanilang mga trabaho.

“Kawawa naman po ang ating mga empleyado na nauubos ang oras sa trapik dahil lang kailangan nilang pumasok sa opisina araw-araw para gawin ang trabaho na kaya naman nilang gawin sa kanilang kabahayan gamit ang tamang teknolohiya. We need to be more compassionate and innovative in our approach to work,” ani Villanueva.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11165, ang mga employer ng pribadong sektor ay maaaring mag-alok ng remote work arrangement sa kanilang mga empleyado, basta’t masusunod ang minimum labor standards, kabilang ang nararapat na kompensasyon, work hours, leave benefits, at rest periods. Kinakailangan din ng mga employer na magbigay ng written documentation na naglalaman ng ‘terms and expectations’ ng napagkasunduang telecommuting setup.

Bilang suporta sa flexible work sa pampublikong sektor, nag-isyu ang Civil Service Commission (CSC) ng Memorandum Circular No. 06, s. 2022, na humihikayat sa mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng flexible work arrangement.

“The world of work is constantly evolving, and we must respond with proactive, responsive solutions that prioritize the well-being of our workforce,” ani Villanueva.

“Our workers are the backbone of our economy. Let us ensure they are supported–not strained–by these necessary infrastructure upgrades,” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -