26.6 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

GSIS, ilalabas ang June pension nang mas maaga

- Advertisement -
- Advertisement -

ILALABAS ng Government Service Insurance System (GSIS) ang June 2025 pension sa Biyernes, Hunyo 6, dalawang araw bago ang nakasanayang petsa na ika-8 ng buwan. Ang petsang ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha, na idineklarang regular holiday sa buong bansa.

Kahit holiday, maaari pa ring ma-withdraw ng mga pensyonado ang kanilang pension sa pamamagitan ng ATM gamit ang UMID o eCard.

“Layunin naming tuluy-tuloy ang ginhawa para sa ating mga pensyonado. Kahit holiday, may access pa rin sila sa kanilang pension—madali at walang abala,” ani GSIS President at General Manager Wick Veloso.

Inaanyayahan ang mga miyembro at pensyonado na manatiling updated sa mga anunsyo ng GSIS sa pamamagitan ng opisyal na website (www.gsis.gov.ph) at ng verified social media pages nito sa Facebook, Instagram, YouTube, at TikTok (@gsis.ph). Maaari ring gamitin ang GSIS Touch mobile app o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 para sa mga katanungan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -