KUNG ang walang humpay na pag-ulan na dulot ng bagyong Crising nitong weekend ay mga indikasyon, maaaring nasasaksihan natin ang pagbabago ng mga weather pattern na magdadala ng mas malakas na buhos ng ulan at malawakang pagbaha.
Dalawampu o higit pang bagyo o tropical cyclone ang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) kada taon. Iyan ay higit pa kaysa saanman sa mundo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag-Asa).
Humigit-kumulang 8 o 9 na bagyo ang tumama sa buong bansa, na nagdadala ng nakamamatay na kumbinasyon ng malakas na ulan at malakas na hangin. Matagal nang sinisisi ang mga bagyo sa mga pagbaha na kailangang tiisin ng mga Filipino taun-taon. Ngunit ipinakita sa pinagsamang pag-aaral ng Ateneo de Manila University, Pag-Asa at Japanese partner institutions na ang pagsisisi sa mga bagyong direktang tumama sa bansa ay isang “misconception.” Sinuri ng mga mananaliksik ng pag-aaral ang data ng lagay ng panahon mula 1961 hanggang 2022, na nakatuon sa mga pattern ng pag-ulan sa kahabaan ng kanlurang baybayin ng bansa mula Hulyo hanggang Setyembre. Napag-alaman nila na ang mga bagyo na daan-daang kilometro ang layo ay maaaring mag-udyok sa southwest monsoon o habagat na magpakawala ng mas maraming ulan kaysa sa aktwal na bagyo.
Ang average na 33.1 porsiyento ng monsoon rains ay nagmumula sa mga tropical cyclone na hindi nagla-landfall ngunit nagpapalakas ng habagat, na sumisipsip ng malaking halaga ng moisture mula sa mga nakapaligid na dagat, ayon sa pag-aaral.
Ang lokasyon kung saan nabuo ang isang tropikal na bagyo, o ang “punto ng genesis” nito, ay nakakaapekto rin sa dami ng pag-ulan. Ang mga nabubuo na mas malayo sa Pilipinas ay may posibilidad na lumipat sa hilagang-silangan ng Luzon at mas malamang na palakasin ang habagat.
Sa kabaligtaran, “ang mga nabubuo na mas malapit sa bansa ay madalas na kumukuha ng mas maikli, pakanlurang mga landas at dahil doon ay may mas mahinang epekto sa habagat,” ayon sap ag-aaral. Noong Hulyo ng nakaraang taon, ang Super Typhoon Carina ay napakalayo sa Karagatang Pasipiko para maging banta sa Pilipinas, ngunit ito ang nagtulak sa habagat na magpakawala ng halos isang buwang dami ng ulan sa Quezon City sa loob lamang ng 24 na oras, ayon sa pag-aaral.
Maging ang mga bagyo na hindi umabot sa lakas ng bagyo ay nagdulot ng hindi pangkaraniwang malakas na pag-ulan. Isa na rito si Crising, ngunit kasabay ng hyperactive habagat, naapektuhan nito ang 370,000 katao at napilitang lumikas ang 22,000 katao sa kanilang mga tahanan.
Ang pag-aaral ay makabuluhan, lalo na kapag inihanay sa pananaliksik ng 2019 US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) na nagpapahiwatig na ang pag-init ng Indo-Pacific Ocean ay nagpapabago sa mga pattern ng pag-ulan sa mga rehiyon sa paligid nito.
Ang mas maiinit na dagat ay nagbubunga ng mas maraming bagyo na mas mapanira.
“Climate model simulations indicate that continued warming of the Indo-Pacific Ocean is highly likely, which may further intensify these changes in global rainfall patterns,” ayon sa isang weather expert. “This means that we need to enhance our ocean observational arrays to monitor these changes accurately and update our climate models to skillfully predict the challenges presented by a warming world.”
Iniugnay ng mga naunang pag-aaral ang umuusbong na mga pattern ng panahon sa tumaas na mga rehiyonal na sukdulan ng panahon tulad ng mga heat wave at mataas na pag-ulan sa Indonesia, Singapore, South India, Pilipinas at Western Pacific.
“These findings are significant in the context of climate change as they reveal that new and emerging weather patterns are contributing to increasingly severe weather in a region home to over a billion people, as well as unique and vulnerable ecosystems,” diin ng isa pang climate scientist.
“With extreme weather events posing severe socio-economic and environmental challenges, understanding these changes is critical for improving climate models and informing future climate adaptation strategies,” pagbabahagi ng The Economic and Social Commission for Asia and South Pacific (Escap).
“Flooding and drought events are set to intensify, water scarcity is expected to be further exacerbated, and heat waves are poised to become a major emerging risk in Asia and the Pacific,” diin ng Escap.
Ipinagdiinan ng World Meteorological Organization (WMO) ang pangangailangan ng mas accurate weather forecasting upang “maprotektahan ng mga magsasaka ang kanilang ani, upang mabalanse ng “utilities” ang supply at demand ng enerhiya, mapamahalaan ng mga negosyo ang kanilang mga logistic, mapaghandaan ng pamahalaan ang mga delubyo, at mapangalagaan ng mga komunidad ang kanilang buhay at pinagkakakitaan.”
Ang isang mas mahusay na pag-unawa sa pagbabago ng mga pattern ng panahon ay nagbibigay-daan sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensya ng kalamidad na maiayos ang kanilang tugon. Halaw sa Editoryal ng The Manila Times



