26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

DBM, naglabas ng P1.625 B para sa muling pagdadagdag ng Quick Response Funds ng DSWD, DPWH

- Advertisement -
- Advertisement -
BILANG bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa gitna ng masamang panahon na tumama sa bansa, naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P1.625 bilyon para mapunan ang Quick Response Funds (QRFs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Public Works (DPWH).
Para sa DSWD, kabuuang P625 milyon ang inilabas para mapunan muli ang kanilang FY 2025 QRF. Ang halaga ay pangunahing nakalaan para sa pagkuha ng Family Food Packs (FFPs) at non-food items (NFIs) para sa pag-iimbak ng mga mapagkukunan ng tulong. Hahayaan nito ang DSWD na makapagbigay-tulong sa 510,745 pamilyang apektado ng mga sakuna.
Samantala, kabuuang P1 bilyon ang inilabas sa DPWH para macover ang 2nd replenishment ng built-in QRF nito.
“Sinusunod po natin ‘yung utos ng Pangulo na gawing prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga kababayan nating nasalanta ng sunud-sunod na bagyo at mga pagbaha. Ang DSWD at DPWH po, kasama po ‘yan sa mga ahensya ng gobyerno na may built-in QRFs para masiguro na agad silang makatutugon sa oras ng kalamidad. Now, they’ve requested to have their QRFs replenished, so we released a total of P1.625 billion to both agencies,” ayon kay DBM Secretary Mina Pangandaman.
“Naiintindihan po namin kung gaano kahalaga na may sapat na pondo ang mga ahensyang ito para rumesponde at bigyang tulong ‘yung mga nangangailangan. Kami naman po sa DBM, basta’t kumpleto ang mga dokumentong isina-submit, agad po nating inaaksyunan ‘yan,” dagdag pa ni Sec Mina.
Ang halaga ay dapat gamitin para sa mga programa, aktibidad o proyekto sa rekonstruksyon at rehabilitasyon, kabilang ang paghahanda ng goods at equipment sa mga komunidad o lugar na tinamaan ng mga kalamidad, na naganap sa huling quarter ng naunang taon at sa mga nagaganap sa kasalukuyang taon upang ang mga kondisyon ng pamumuhay ng mga apektado ay maaaring maging normal sa lalong madaling panahon.
Ang QRF ay nagsisilbing stand-by na pondo para sa relief at recovery programs upang ang sitwasyon at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa mga komunidad o mga lugar na tinamaan ng mga sakuna, kalamidad, epidemya o complex emergencies ay maaaring maging normal sa lalong madaling panahon. Ang mga kinauukulang ahensya ay maaaring humiling ng muling pagdadagdag mula sa DBM kapag ang balanse ng QRF ay umabot sa limampung porsyento (50%).
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -