30.6 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Sen Erwin Tulfo: 4Ps kailangan nang alisin, pangkabuhayan ang ibigay

- Advertisement -
- Advertisement -

SA halip na parang limos ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap buwan-buwan sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, pangkabuhayan na lang ang ibigay.

Ito ang mungkahi ni Senate Social Justice, Welfare and Rural Development Committee Chairman Erwin Tulfo para matuldukan at hindi na maabuso ang programa ng iilan. Ayon kay Sen. Tulfo, “maging ang ilang 4Ps members gusto na pangkabuhayan na lang ang ibigay sa kanila kaysa sa buwanang ayuda.”

Ito raw ang pahayag ng ilang 4Ps members noong siya ay naging Department of Social Welfare and Development Secretary noong 2022.

“Masakit din daw kasi sa kanila na marinig na mga tamad, pabigat, at hindi sila nakakatulong sa bansa,” dagdag pa ni Tulfo.

“‘Pag binigyan mo kasi sila ng puhunan, may magiging ambag sila sa ekonomiya kahit na magtayo lang sila ng maliit na mga karinderya o sari-sari store, o pagbenta ng anumang bagay online,” sabi ng senador.

Ayon pa sa mambabatas, “unfair din naman kasi doon sa mga low-wage earners tulad ng mga sekyu, janitor, o katulong na hindi magkasya ang sahod pero walang buwanang ayuda sa gobyerno tulad ng 4Ps dahil hindi sila qualified.”

Ito ang imumungkahi ng senador kay DSWD Secretary Rex Gatchalian at Pangulong Ferdinand “Bongbomg” Marcos Jr. ‘pag nagkita silang dalawa.

“Alam ko noon pang pag-upo pa lang ni PBMM na poverty mitigation ang isa sa mga prayoridad ng administrasyong ito. Pero the question is paano?” dagdag pa ni Tulfo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -