34.6 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Sen Raffy nakipagpulong kay US Amb Carlson, tinalakay kalagayan ng mga marinong nadeport

- Advertisement -
- Advertisement -

INANYAYAHAN ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson si Committee on Migrant Workers Chairperson Sen Raffy Tulfo sa US Ambassador’s residence para sa isang salo-salo.

Dito kinuha ni Sen. Idol ang pagkakataon para maiparating kay Ambassador Carlson ang hinaing ng mga seafarers na lumapit sa kanya sa nagdaang hearing ng Migrant Workers sa Senado noong Aug. 13.

Matatandaan sa naganap na pagdinig isiniwalat ng ilan sa mga seafarers na mga crew sa isang cruise ship na pagdaong ng kanilang barko sa isang US territory ay inakyat ito ng mga taga-Immigration Customs Enforcement (ICE) at pagkatapos ay isa-isang ininspeksyon ang kanilang mga mobile phones.

Bagamat walang mga nakitang child pornographic materials na sadyang hinahanap ng taga-ICE sa kanilang cellphones, ang kanilang entry ay denied at ang ilan sa kanila ay ikinulong pa bago ipinadeport.

Sinabi ni Ambassador Carlson na lubhang humigpit daw ang standards for entry ng US Immigration sa administrasyon ni US President Donald Trump, pero nilinaw niya na ito ay ipinatutupad sa lahat ng nasyonalidad, hindi lamang sa mga Pilipino.

Binigyang diin ni Sen. Raffy kay Ambassador Carlson na dapat nagpresenta man lang ng ebidensya ang mga taga-ICE kung may nakita talaga silang child pornographic materials sa mga cellphone ng seafarers bago nila sila pinatawan ng negatibong aksyon.

Inamin ni Ambassador Carlson na bagamat desisyon ng US Immigration ang anumang klaseng aksyon ang nais nilang ipatupad sa lahat ng points of entry, pero naniniwala siyang nagkakamali rin daw ang mga ito.

Gayunpaman, pag-aaralan daw ni Ambassador Carlson ang mga hinaing ng mga Filipino seafarers.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -