29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Lacson: Papunta na tayo sa pagpapa-freeze ng assets ng BGC Boys

- Advertisement -
- Advertisement -

PAPUNTA tayo sa pagpapa-freeze ng assets ng tinaguriang BGC Boys ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Binigyang-diin ito ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules, kasabay ng pahayag na ihahanda ng kanyang opisina ang lahat ng ebidensya na kailangan ni DPWH Secretary Vince Dizon upang makapagsimula ng aksyon.

“AMLC cannot freeze the accounts unless a formal complaint is filed against these people. We are getting there. My office will furnish DPWH Sec Vince Dizon with all the damning evidence in our possession so he can take action in this regard,” ani Lacson sa isang post sa X nitong Miyerkules ng hapon bilang tugon sa tanong kung ano ang ginagawa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa isyu.

Sa isang panayam sa DZMM radio, sinabi ni Lacson na si Dizon o ang independent commission na lilikhain ng Malacañang upang imbestigahan ang flood control projects ang maaaring magsampa ng kaso, at handa ang kanyang opisina na ibigay ang kinakailangang ebidensya sa dalawa.

Aniya, kabilang sa ebidensyang nakalap ng kanyang opisina ang “daang pahina” ng dokumentaryo at testimonial na ebidensya. Ilan dito ay inilahad na niya sa kanyang ikalawang privilege speech hinggil sa flood control project mess nitong Martes.


Sa kanyang privilege speech, detalyado niyang inilantad ang casino escapades ng lima — sina  dating DPWH Region 4A OIC assistant regional director at ex-Bulacan district engineer Henry Alcantara; Bulacan OIC District Engineer Brice Ericson Hernandez; Assistant District Engineer Jaypee Mendoza; DPWH Engineer II Arjay Domasig; at Edrick San Diego.

Ayon kay Lacson, maaaring magsampa ng open and shut cases laban sa lima dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1869; Republic Act 6713; at iba’t ibang memorandum circulars na nagbabawal at nagpaparusa sa mga opisyal ng gobyerno na pumasok at higit lalo, magsugal sa mga casino.

Maaari rin silang kasuhan dahil sa paggamit ng pekeng pangalan at pagtatago ng tunay na pangalan, paggamit ng pekeng driver’s license, at paglabag sa Anti-Money Laundering Act, kung saan ang mga perang galing sa katiwalian at plunder ay “transacted and converted by purchasing casino chips and subsequently cashing them out after minimal gaming, thereby disguising the true source of the funds.”

“If a complaint can be filed say tomorrow, a request can be made to the Anti-Money Laundering Council to freeze their accounts,” dagdag ni Lacson.

- Advertisement -

Samantala, umaasa si Lacson na palalawakin pa ng lilikhain ng Malacañang na independent commission ang saklaw ng imbestigasyon upang maisama ang iba pang infrastructure projects, “para talagang sustained ang effort.”

Dagdag niya, sana’y magsilbing aral ang flood control scandal sa mga nepo babies at contractors laban sa pagyayabang ng kanilang yaman. “Ang mga tycoons nakita mo ba silang nag-flaunt? Bumalik lahat sa kanila,” aniya.

Basahin din sa: https://pinglacson.net/2025/09/10/lacson-were-getting-there-in-freezing-bgc-boys-assets/

DZMM interview: https://www.youtube.com/watch?v=izIaqs7Mg1E

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -