PANAUHING pandangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginanap na pagpaparangal ng Department of Agrarian Reform (DAR) Gawad Agraryo 2025 na ginanap sa Makabagong San Juan Government Center sa San Juan City ngayong September 12, 2025.

Sa temang ‘Repormang Agraryo: Binhi ng Kaunlaran at Tagumpay,’ Gawad Agraryo kinilala ang mahalagang papel ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na ginawang produktibong sakahan ang mga iginawad na lupain, ang ARB Organizations (ARBOs) na naging mga katuwang sa pagbibigay ng mga serbisyo ng suporta at pamamahala ng mga negosyo; at sa mga Agrarian Reform Communities (ARCs) na naging self-reliant at sustainable hubs.
Sa ginanap na parangal, pinangunahan nina Pangulong Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado Estrella III ang pagbibigay ng mga parangal sa 10 Most Outstanding ARBs, tatlong Most Progressive ARBOs, at apat na Most Progressive ARCs.



