29.5 C
Manila
Lunes, Hunyo 15, 2026

Sen Raffy sinita ang DA sa patuloy na pag-isyu ng special import permits

- Advertisement -
- Advertisement -

KINUWESTIYON ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang Department of Agriculture (DA) kung bakit patuloy pa rin ang kagawaran sa pag-iisyu ng special importation permit o Certificate of Neccessity to Import (CNI) sa mga importer sa kabila nang oversupply ng isda at iba pang seafood products sa bansa.

Sa hearing ng Committee on Agriculture, binanggit na halimbawa ni Sen. Tulfo ang General Santos at Bohol kung saan maraming supply ng isda, at ang masaklap, ang iba nga rito ay nasisira na lang dahil sa kakulangan ng cold storage facility.

Binigyang-diin ni Sen. Tulfo na hindi patas ang nasabing importasyon dahil patuloy nitong papatayin ang kabuhayan ng ating mga mangingisda.

“Kahit may oversupply na tayo ng seafood products, patuloy pa rin ang Department of Agriculture sa pag-isyu ng special import permits sa mga importer!” saad niya.

Dagdag niya: “Unfair ito para sa mga mangingisda natin na nalulugi dahil madalas nasisira na ang produkto nila! Paano sila makikipagsabayan kung ang mga imported na isda, na balita ko ang iba galing pa sa China, ay ibinebenta nang sobrang mura?”

Dahil dito, inobliga ni Sen. Raffy ang DA na gumawa muna ng masusing market study kung kailangan ba talaga ang special import permit bago mag-isyu nito upang masiguro na hindi malulugi ang ating local fisherfolk.

Inatasan din ni Sen. Tulfo ang DA na mahigpit na makipagtulungan sa Bureau of Customs (BOC) upang masiguro na hindi nagagamit sa smuggling ang special import permits at wala ring undervaluation o misdeclaration sa mga inaangkat na agricultural products.

Dito ay parehong nangako sina DA Usec. Carlos Carag at newly-appointed Customs Commissioner Ariel Nepomuceno kay Sen. Idol na patuloy na maguugnayan ang dalawang ahensya para tiyakin na kung ano lang ang nakalagay sa special import permit ang siyang aktwal na maaangkat at makikita sa mga container.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -