30.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 7, 2026

Sen Bam Aquino pinagpaliwanag si DPWH Secretary Dizon hinggil sa mga isyu ng imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGKAROON ng pagkakataon si Senator Bam Aquino na matanong si DPWH Secretary Vince Dizon sa ginanap na hearing sa Senado kahapon, Setyembre 18, sa mga pinakahuling pangyayari sa Department of Public Works and Highways. Narito ang kabuuan ng transcript.

Sen. Bam: Unang-una, Secretary Dizon good luck with your new role. Mabigat siyang trabaho. We hope you can really get to the bottom of this scandal. Nabanggit niyo po kanina na tens of billions, possibly hundreds of billions iyong nawala sa ating bayan. Aabot ba tayo nang trillion or it depends how far we go back?

Sec. Dizon: I guess, it will really depend po. Ayon naman po sa executive order ng ating pangulo babalikan po ng ICI ang last ten years. Hindi po natin malalaman kung gaano kalaki ito. Malaki po ito.

Sen. Bam: There’s a possibility it might go into the trillions.

Sec. Dizon: May posibilidad po.

Sen. Bam: May posibilidad kasi alam mo naman secretary may trillion-peso march sa Sunday. Siguro noong una, naisip iyon trillion baka haka-haka but actually through this investigation baka umabot nga ng trillion itong posibleng nawala sa ating bayan.

Sec. Dizon: Opo.

Sen. Bam: Just to put that into context, Mr. Secretary, napag-usapan namin sa hearing the other day Secretary– Senator Pangilinan and Senator Sherwin were with me doon sa nutrition program. And in that hearing, it only costs three billion pesos to increase our feeding program for three million severely wasted children. I mean, put that into context, Para sa three million na severely wasted and wasted children, para ma-increase yung kanilang feeding program from one hundred twenty to one hundred fifty days, sa totoo lang kulang pa nga iyon. It will only cost an additional three billion and we are talking about trillions, possibly trillions, trillion na nanakaw sa atin. So, that is why this investigation is really important, Mr. Secretary. kailan po nyong ipa-publish iyong listahan ng inyong investigation? Earlier you said, ‘It’s ongoing’. Palagay ko po mahalaga sa taumbayan na malaman nating lahat kailan ba ito mapapublish, kailan ba ito matatapos.

Sec. Dizon: Iyon pong tanong kung kailan matatapos, mahirap po sagutin yan dahil napakarami po at tuloy-tuloy pa rin po ang pagre-report sa amin. Kung kailan po mapa-publish, sisimulan na po namin ito. Siguro bigyan niyo lang po kami ng mga ilang linggo, kahit isang o dalawang linggo. Gusto po namin magbuo na isang transparency portal similar po ginawa ng ating pangulo sa Isumbong Mo Sa Pangulo website. Ganoon din po ka-simple para po maipublish na ho natin unang-una iyong mga reported at kung anu-ano po ang mga iba’t-ibang aksyon na ginagawa ng DPWH ngayon para mapanagot ang mga dapat managot.

Sen. Bam: So, you will have an initial list already in a week or two?

Sec. Dizon: Opo.

Sen. Bam: Okay. And that will grow as the investigation goes on.

Sec. Dizon: Opo. Padagdag lang po nang padagdag,

Sen. Bam: Ano po ilalabas natin? Yung ghost at yung substandard.

Sec. Dizon: Opo. Opo. Uunahin po natin ang priority siyempre yung ghost, at kasama din po yung mga substandard na nakikita din po natin.

Sen. Bam: Mr. Secretary, when the substandard become criminal?

Sec. Dizon: That’s a very interesting question, Mr. Chairman. Hindi po ko abogado pero sa pagkakaintindi ko, kapag ang isang proyekto, halimbawa, isang classroom, halimbawa. Meron naman pong binibigay na pagkakataon ang isang contractor para isaayos ang isang proyekto. So, hindi naman po ibig sabihin siguro na lahat ng initially are substandard, eh, criminal agad. Pero pagka po talagang grabe po ang pagkakagawa. Halimbawa po, dinadaya po ang bakal. At dahil po doon, kagaya po ng nakita natin sa Oriental Mindoro, kung saan ang contractor doon po ay Saint Timothy Elite at Sunwest Corporation. Dahil sa napaka-substandard na gawa, dahil sa kulang ang bakal, isang ulan lang po ngayong July nawash-out na po iyong ginawa. So, thinking ko po, yun criminal po yun.

Sen. Bam: May I suggest- Mr. Secretary, I may also suggest, that we be clear kung ano yung standards natin.

Sec. Dizon: Tama po.

Sen. Bam: Oo, because we really want to get to the bottom of this, Malinaw dapat siya. So, in a few weeks, lalabas iyong listahan. Malalaman natin sino yung ghost, sino yung severely, I’ll just use that broadly, severely substandard. Ilalabas po ninyo kung anong lugar, sino yung contractor, pati rin po yung proponent, ilalabas po ninyo.

Sec. Dizon: Pati po yung mga DPWH personnel na involve doon sa mga proyekto nyan, ilalabas po namin.

Sen. Bam: Question, Mr. Secretary. So, once you’ve published, how long before cases are actually filed? You’re just publishing your investigation. Yung wala pa yan mang kasong naka-file talaga ng DOJ, right? Have you coordinated with them kung gaano katagal bago mag-file ng kaso?

Sec. Dizon: Opo. Sa ngayon po ang aming track, kami po mismo ang nagpa-file ng kaso with the Office of the Ombudsman. Nag-file na po tayo last week, and meron pa po tayo ng mga ginagawang mga kaso now. Pero ngayon po medyo mag-iiba po nang konti ang proceso dahil po naitayo na at working na po ang ating ICI. Kaya po now ang aming pong agreement with the commission, ay iyon pong makukuha naming mga ebidensiya, ito po po ay ipapaasa po natin sa special adviser at sa commission po mismo para po sila po ang magpa-file ng mga kaso.

Sen. Bam: Wait, so are you filing the cases or is the ICI filing the cases?

Sec. Dizon: From now on, po, ang ICI na po ang magpa-file.

Sen. Bam: Because you’ve already filed before the ICI was constituted?

Sec. Dizon: Opo. Opo. Tama po.

Sen. Bam: Okay. So lahat ng ebidensiya, lahat ng laman ng inyong investigation will go to the ICI, you’ll be publishing it para malaman ng publiko. At the same time, pupunta siya sa ICI, then the ICI will be in charge with the filing with the ombudsman or whatever court?

Sec. Dizon: Tama po, Mr. Chairman.

Sen. Bam: All right. Meron akong another topic, Mister Secretary. In your estimation, meron bang bid rigging na nangyari?

Sec. Dizon: Absolutely, Mister Chairman. Hindi po, hindi po mangyayari ito kung malinis po at transparent ang proseso ng procurement at the district levels or the regional levels. Mister Chairman. Hindi po, hindi po mangyayari ito.

Sen. Bam: Okay, Secretary. If bid rigging, in your estimation, bid rigging nangyari, at tingin naman ng mga tao nangyari nga naman yung bid rigging. Sa Philippine Competition Act, meron pong mga provision po diyan tsaka penalties for bid rigging. At yung penalty po diyan is 100 to 250 million pesos per offense. So I’m raising this because importante sa taumbayan hindi lang na may makulong, hindi lang na lahat ng involved ay makulong, pero mabalik rin yung pera. And this could possibly be a way for us to get that money back. Kasuhan natin through the Philippine Competition Act. The PCC can motu proprio also do an investigation. Pwedeng kasuhan ng bid rigging yung mga contractors, i-fine sila ng hundreds of millions of pesos. Baka sa dami ng offense, umabot pa yan ng billion at makuha natin yung perang kinuha nila sa bayan. So may I make that suggestion? Because so far, hindi pa napag-uusapan yung bid rigging dito sa mga offenses sa nangyari. And, just to state, it was the Chancellor of MSU who is a competition expert who mentioned this to our office the other day. So iisa po yan ang posibleng idagdag na opensa dito po sa mga nangyari. And if the offenses umabot ka ng billions, baka may chance na nga tayo mabalik na yung perang yan at mapilitan po yung mga involved na magbenta ng kanilang mga ari-arian, magbenta ng mga assets para makuha po natin itong nawalang pera. Mister Secretary.

Sec. Dizon: Mister Chairman, I absolutely agree po. In fact, iyon doon sa bid rigging po tatlo po yung kaso na-file naming last week. Violations of the anti-graft corrupting practices act, malversation through falsification of public documents, and pangatlo po, violations of the government procurement act. Kasama na po diyan ang bid rigging.

Sen. Bam: There are other penalties in the Philippine Competition Act.

Sec. Dizon: I absolutely agree po, and if you ask my opinion po, lahat po ng pwede nating ibatong kaso sa kanila ay dapat gawin po natin para hindi lang po mapanagot pero maibalik po ang pera ng taumbayan.

Sen. Bam: Thank you, Mister Secretary.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -