29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

PCUP at NYC, sanib-pwersa para sa kabataang maralita

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG makasaysayang kasunduan ang nilagdaan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at ng National Youth Commission (NYC) noong Miyerkules, Oktubre 1, 2025, sa West Avenue Suites, Quezon City. Layunin ng Memorandum of Agreement (MOA) na ito na palakasin ang suporta at oportunidad para sa kabataang maralita sa bansa.

Mula sa taas: PCUP Commissioner Atty. Emmanuel Gison, PCUP Commissioner Atty. Bret Monsanto, PCUP Chairperson and CEO, Usec. Michelle Anne Gonzales, NYC Chairman and CEO, Usec. Joseph Francisco Ortega, NYC Commissioner-at-Large, Asec. Michelle Mae Gonzales, at NYC Commisioner-at-Large, Asec. Gervy James Gumarit, sa ginanap na Memorandum of Agreement ceremony sa West Avenue Suites, Quezon City, noong Oktubre 1, 2025.

Sa kanyang pambungad na mensahe, iginiit ni NYC Undersecretary Joseph Francisco Ortega ang kahalagahan ng mas matibay na programa para sa mga kabataang nasa maralitang sektor, at ang pagbibigay sa kanila ng mas malinaw na landas upang makabahagi sa paghubog ng bansa.

Kasunod nito, nagbigay naman ng pahayag si PCUP Chairperson at CEO, Undersecretary Michelle Anne Gonzales, kung saan tinalakay niya ang ALPAS Komunidad Flagship Project—ang Community Development at Social Protection initiative na naglalayon na mapabuti ang buhay ng mga maralitang tagalungsod, partikular na sa sektor ng Kabataan, sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.

“This occasion is very meaningful to me, not only because NYC is really close to my heart, but [also] because I am a mother. I really see the vulnerability of the youth today. Iba kasi ang panahon namin, sa panahon ngayon, especially the youth na kasama sa sektor ng urban poor na napaka-vulnerable” pahayag ni Chair Gonzales.

“Kaya nagpapasalamat ako sa National Youth Commission for joining us in this journey and this mission to help build better and safer communities lalo na para sa kabataan” dagdag pa niya.

Layunin ng naturang kasunduan na palawakin ang akses ng kabataang maralita sa edukasyon, pagpapahalaga, paghubog sa kasanayan, at mga programang pangkabuhayan upang mapalakas pa ang sektor sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng pamahalaan.

Pangunahing Nilalaman ng MOA:

  • Ire-rekomenda ng PCUP ang mga akreditadong youth groups sa Youth Organization Registration Program (YORP) ng NYC.
  • Magkakaroon ng akses ang mga urban poor youth organizations sa mga scholarship, kabuhayan, at skills training.
  • Bubuo ang NYC ng mga polisiya na magtataguyod ng mas malawak na partisipasyon ng kabataan sa pamamahala at kaunlaran.
  • Magkakaroon ng mga pinagsamang programa upang mapabuti ang kapakanan ng kabataang maralita sa mga pamayanan.

Ang kasunduang ito ay patunay ng iisang layunin ng PCUP at NYC na bigyang-lakas ang kabataang maralita sa pamamagitan ng mga programang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang pag-unlad.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -