31.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Pondo para sa karagdagang pasilidad ng Bahay Pag-Asa isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang paglalaan ng pondo para palawakin ang mga pasilidad ng Bahay Pag-Asa. Itinayo ito upang magbigay ng pansamantalang tirahan at kalinga sa mga children in conflict with the law (CICL) na may edad 15 hanggang 18.

“Kung hindi natin susuportahan ang Bahay Pag-Asa, lalakas ang panawagan para babaan ang minimum age of criminal liability. Ngunit wala tayong pondo para sa Bahay Pag-Asa sa 2026,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

Bagama’t nakasaad sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act No. 9344) na local government units (LGUs) ang may responsibilidad sa pagpapatayo ng mga pasilidad ng Bahay Pag-Asa, hindi lahat ng LGUs ay sumusunod sa batas, ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Ayon pa sa kalihim, nagmumungkahi sila ng P700 milyong pondo para sa mga dagdag na pasilidad, kabilang ang magkahiwalay na rehabilitation centers para sa mga lalaki at babae, mga care facilities para sa mga dating child combatants, at ang pagpapatayo ng hindi bababa sa limang shovel-ready na Bahay Pag-Asa projects sa iba’t ibang rehiyon.

Maliban sa pagpapatayo ng mga bagong pasilidad, iminumungkahi ni Senador Gatchalian ang isang counterpart program kung saan paghahatian ng mga LGUs at national government ang paglalabas ng pondo maipatayo ang mga pasilidad.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -