NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga local government unit (LGU) na makiisa sa laban kontra katiwalian, at ibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Sa panunumpa ng League of Cities of the Philippines (LCP) National Executive Board at LMP National Executive Officers, hiningi rin ni PBBM ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa ng national government sa iba’t ibang sektor, lalo na sa edukasyon.
Mula sa pagtatayo ng Child Development Centers hanggang sa pagsusulong ng transparency sa mga flood control projects, tinalakay sa isinagawang diyalogo ni Pangulong Marcos Jr. kasama ang League of Cities of the Philippines National Executive Board ang mga pangunahing hakbang para mapalakas ang lokal na pamahalaan.
Bahagi rin ng pag-uusap ang mga isyu sa implementasyon ng Sustainable Development Goals at ang mga panukalang amyenda sa Local Government Code upang higit pang maisulong ang mabuting pamamahala sa mga lungsod sa buong bansa.
Mas matatag na imprastraktura, digital connectivity, at tulong sa mga vulnerable communities ang tinalakay sa dayalogo.
Tinalakay ng Pangulo ang mga programang magpapalakas sa mga munisipalidad, kabilang ang mga proyekto sa tubig at sanitasyon, SGLG Incentive Fund, at paggamit ng eLGU System upang mapabilis at mapabuti ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.



