BILANG bahagi ng layunin ng pamahalaan na mabawasan ang polusyon at mapabilis ang paglipat sa malinis na enerhiya, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Koloma Inc. upang talakayin ang pagpapalawak ng natural hydrogen sites sa bansa.

Bahagi nito, tiniyak ng Pangulo ang patuloy na suporta ng gobyerno sa mga investors sa larangan ng natural hydrogen development para sa mas abot-kayang energy source at dagdag na trabaho para sa mga Pilipino.



