30.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

DPWH, 22 classrooms lang ang natapos ngayong taon

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG si Senador Bam Aquino ang pagkadismaya sa pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 22 classrooms lang ang naitayo nito para sa taong 2025.

“You can’t explain that. Even just saying it, sumasakit iyong puso ko na 22 lang ang nagawang classroom,” sabi ni Aquino sa pagdinig ng DPWH budget matapos sabihin ni Secretary Vince Dizon na 22 lang sa target na 1,700 classrooms ang nakumpleto.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na maaaring umabot sa 200,000 ang classroom backlog pagsapit ng 2028.

“Ang estimated current classroom backlog natin ay 146,000. By 2028, if we continue at this rate, aabot tayo ng 200,000,” diin ni Aquino, chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Sinabi naman ni Dizon na sisiyasatin ng DPWH ang sanhi ng pagkaantala at maghahanap ng paraan upang mapabilis ang pagtatayo ng mga silid-aralan.

Nagpahayag naman si Dizon ng buong suporta ng DPWH sa Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act ni Aquino, na kamakailan ay idinineklarang priority measure ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang tugon sa patuloy na kakulangan ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.

“We are in full support of this measure, especially now na 22 pa lang ang nagagawa ng departamento ngayong taon. Kailangan po talaga natin ang tulong,” sabi ni Dizon.

Idinagdag pa niya na tinitingnan din ng ahensya ang pakikipag-partner sa mga local government units upang mapabilis ang konstruksyon ng mga silid-aralan.

“At this rate, it’s virtually impossible na magawa ng DPWH itong kailangan nating mga classrooms,” aminado si Dizon.

Layunin ng panukalang batas na i-decentralize o palawakin ng mandato sa pagtatayo ng classroom, hindi lang sa DPWH kundi pati na sa local government units at non-government organizations na may napatunayang kakayahan sa pagtatayo ng silid-aralan. Sa ilalim ng panukala, maaari silang magtayo ng mga silid-aralan alinsunod sa mga pamantayan at alituntunin ng Department of Education sa kani-kanilang nasasakupan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -