29.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

ICI bumigay, naka-livestream na sa pag-iimbestiga ng korapsyon sa isang linggo

- Advertisement -
- Advertisement -

PUMAYAG na ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Miyerkules, Oktubre 22, sa patuloy na panawagan na isapubliko ang mga pagdinig nito sa pamamagitan ng livestream ng mga sesyon nito sa susunod na linggo upang matiyak ang transparency sa pagsisiyasat nito sa mga maanomalyang proyekto sa pagkontrol sa baha.

Larawan mula sa Senate of the Philippines

Ito ang inihayag ni Retired Justice Andres Reyes Jr., na namumuno sa ICI, sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkules sa isang panukalang batas na papalitan ang ICI ng isang nonpartisan at autonomous body na may awtoridad na imbestigahan ang lahat ng uri ng katiwalian sa gobyerno.

“We will now go on livestream next week, once we have the technical capability with us,” sabi ni Reyes.

Dagdag pa ni Reyes, “It makes me cry — how can these people get away with [stealing] P500 billion? It’s our inspiration to work hard.”

Sinabi ni Reyes na ang ICI, na nilikha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng Executive Order 94, ay 39 na araw pa lamang at kasalukuyang gumagalaw na may limitadong staff at resources.


“For the last 21 days, we only had three lawyers. Now, we have some volunteers from Davao and other agencies,”paliwanag ni Reyes.

“We don’t have the facility, and we don’t have the rules of procedure, but we will try our best,” dagdag ni Reyes.

Ang desisyon ng ICI na i-livestream ang mga pagdinig nito ay nagmamarka ng malaking pagbabago mula sa naunang patakaran nito sa mga closed-door na paglilitis, na umani ng batikos mula sa mga tagapagtaguyod ng transparency at ilang mambabatas. Mula nang likhain ito noong Setyembre 11, pinaghigpitan ng komisyon ang publiko at media access sa mga press briefing, at naglabas lamang ng mga opisyal na pahayag.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -